Netizen, ibinulgar ang diumano'y tunay na pangyayari hinggil sa kaso ni Jiro Manio

Netizen, ibinulgar ang diumano'y tunay na pangyayari hinggil sa kaso ni Jiro Manio

- Ibinulgar ng isang netizen ang diumano'y tunay na nangyari hinggil sa kasong kinasangkutan ng dating child star na si Jiro Manio

- Ayon sa kanya, kaya daw nagawa iyon ni Jiro ay dahil sa ginawang paghampas ng lalaki sa dating child star gamit ang helmet

- Marami din daw ang nakasaksi sa pangyayari at ang dahilan daw ay nagkatitigan lamang sila

- Pinasinungalingan din niya ang sinabi ng lalaking nasaksak na kaya siya naroroon ay dahil sa kaibigan niya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang Facebook user na may pangalang Genevieve Galvez ang naglabas ilang screenshots ng mga messages na diumano ay galing sa lalaking nasaksak ng dating aktor na si Jiro Manio.

Ayon kay Galvez, self defense lamang ang nangyari kung bakit nagawa ni Jiro ang pananaksak. Ayon pa sa post niya sa Facebook, naunang hinampas ng lalaking kanyang pinangalanang Zeus Jao si Jiro dahil lamang nagkatitigan sila.

Kwento pa ni Galvez, kaya siya nagsalita ay dahil siya ang tinuturong kaibigan umano ni Zeus kaya siya nandoon sa lugar nila. Ibinunyag din niya ang diumano'y ginawang pambabastos at pag-stalk sa kanya ni Zeus.

Narito ang kabuoan ng kanyang Facebook post:

THIS IS IN CONNECTION TO JIRO MANIO’S CASE! Wala akong kinakampihan or anything. I’m just here to tell the WHOLE TRUTH. Matagal ko na sana tong pinost e! Kaso, gusto ko sana sa police muna or barangay dumeretso. Busy lang talaga sa work! And isa pa ni report na si ZEUS(sinaksak/stalker ko) ng tita ko sa family friend naming police the 1st time he showed up malapit sa bahay namin!! FYI, AKO YUNG PINUPUNTAHAN NIYA DITO AT WALA SILANG CONNECTION NI JIRO! AYOKO NA SANANG MAKISALI! Pero, this is not a joke anymore. AFTER NAMIN SIYANG I-REPORT SA POLICE, MAY LAKAS PA DIN SIYA NG LOOB BUMALIK DITO! At kung mababasa niyo mga sinasabi niya sakin which I have proof of some of the malicious messages that he sent me, Matatakot talaga kayo. So eto na. Just read the captions.
PS: ISA LANG MASASABI KO, ZEUS JAO DESERVES TO GO TO JAIL! NANDAMAY KA PA NG IBANG TAO SA PANG I-STALK MO SAKIN! And bakit ako nangengeelam? KASI, AKO TINUTURO NIYA SA MUNISIPYO NA KAIBIGAN NIYA DAW DITO DAHIL DI NAMAN SIYA TAGA RITO! San magkaibigan dyan? MAHIYA KA SA BALAT MO! MAAWA KA SA TAO! IT WAS SELF DEFENSE! Kaya ka nasaksak! YOU’RE SCARY! MARAMING TESTIGO NA HINAMPAS SI JIRO NG HELMET KAYA SIYA LUMABAN. NAG KATITIGAN DAW KASI SILA KAYA NIYA HINAMPAS! AND HINDI LANG TO SA SOCIAL MEDIA! WE’LL DEFINITELY TAKE ACTION!

Inalmahan naman ng mga netizens ang pagkakakulong kay Jiro. Narito ang ilan sa mga reaksiyon sa Twitter matapos magviral ng post ni Galvez.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nakilala si Jiro Manio bilang isang mahusay na child star. Tumanggap siya ng mga parangal sa kanyang mahusay na pagganap sa pelikulang Magnifico.

Sa naunang ulat, ipinagdiwang ng Comedy Queen na si Ai-ai Delas Alas ang kaarawan ng kanyang anak-anakang si Jiro Manio.

POPULAR: Read more about Jiro Manio here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel