Jhong Hilario, binahaging nasa 22nd floor sila ng building nang lumindol sa Japan

Jhong Hilario, binahaging nasa 22nd floor sila ng building nang lumindol sa Japan

- Naibahagi ni Jhong Hilario ang kanilang naging karanasan nang lumindol sa Japan habang nasa bakasyon silang mag-anak

- Sa panayam ng ABS-CBN News sinabi niyang nasa 22nd floor sila kaya ramdam na ramdam nila ang pag-uga ng building

- Aminado siyang nakakatakot ang naranasan nila lalo at may tsunami warning

- Gayunpaman, nagpapasalamat siyang ligtas silang mag-anak sa kabila ng naranasan nila

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naibahagi ni Jhong Hilario ang tungkol sa kanilang karanasan habang nasa Japan. Nagkataon na nasa bakasyon sila sa Japan nang umindol at aniya ay nasa 22nd floor sila.

Jhong Hilario, binahaging nasa 22nd floor sila ng building nang lumindol sa Japan
Jhong Hilario, binahaging nasa 22nd floor sila ng building nang lumindol sa Japan
Source: Instagram

Sa video na kanyang binahagi sa Facebook ay makikita ang paggalaw ng building. Gusto daw bumaba ni Maia dahil sa lakas ng lindol.

Nasa 22nd floor kami kaya ramdam na ramdam namin and talagang nakita namin 'yung umuga 'yung buong building. Nakuhanan ko din ng video 'yung pag-uga makikita mo doon sa video na gusto talaga bumaba ni Maia.

Read also

Ivana, happy sa kanyang love life: "Feeling ko malapit na, pwede nang mag-asawa. Char!"

Gayunpaman, ani Jhong ay alam niya na mas mapanganib pag mag elevator sila at mahirap din pag mag hagdan sila dahil may kasama silang bata.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sabi ko, hindi gagana talaga 'yung elevator 'pag ganyan eh. Saka mahirap 'pag nai-stuck ka sa elevator, hindi ka makakalabas na. 'Pag nag-stairs naman kami, sobrang taas eh meron kaming dalang bata

Aminado siyang nakakatakot ang naranasan nila lalo at may tsunami warning. Gayunpaman, nagpapasalamat siyang ligtas silang mag-anak sa kabila ng naranasan nila.

Si Jhong Hilario ay unang nakilala bilang miyembro ng grupong Streetboys kasama si Vhong Navarro na kasalukuyan niya ring kasama sa noontime show na It's Showtime.

Matatandaang ibinida ni Jhong ang video nila ng anak niyang si Sarina sa kanyang Instagram post. Makikita ang mag-ama na nakaupo sa tapat ng isang piano habang nagpipindot si Sari habang kumakanta. Sa caption ng naturang post ni Jhong ay sinabi niyang "Tong Tong Tong" at "Do Re Mi" mashup ang kinanta ng anak. Marami ang naaliw at natuwa sa pagiging biba ng anak ni Jhong na tinatawag niya ding Sample Princess hango sa bansag sa kanya bilang Sample King.

Read also

Sharon Cuneta: "Nag-away kami, naghiwalay kami tapos nagbati na kami so okay na kami"

Kinaaliwan ang post ni Jhong na video kung saan makikita ang pagkanta ng anak niyang si Sarina. Habang nakahiga ay pinakanta ni Jhong ang anak ng awiting "Moon River" at agad namang itong sumunod. Malimit na magbahagi si Jhong ng video ng kanyang anak na talaga namang kinaaliwan ng netizens dahil sa pagiging biba nito. Kamakailan lang ay nagdiwang ng kanyang unang kaarawan ang anak ni Jhong at ng partner niyang si Maia Leviste Azores.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate