Jean Garcia, umasa daw na hindi matutuloy ang paghihiwalay nina Alwyn at Jennica

Jean Garcia, umasa daw na hindi matutuloy ang paghihiwalay nina Alwyn at Jennica

- Naitanong kay Jean Garcia kung ano daw ang naramdaman nito nang unang sabihin sa kanya ni Jennica Garcia na maghihiwalay na sila ni Alwyn Uytingco

- Ani Jean, umasa daw siyang magkakaayos pa sila at inisip niyang nagkagalit lang ang mag-asawa

- Inamin din ni Jean na para sa kanya ay ideal ang pagsasama ng mag-asawa at bilib siya sa pagsasama nila

- Maging daw ang mga kapatid ni Alwyn ay hindi naniwala na matutuloy ang paghihiwalay nila

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Aminado si Jean Garcia na umasa daw siyang magkakaayos sina Jennica Garcia at Alwyn Uytingco nung unang sabihin ng anak na maghihiwalay sila. Sa Stars On Stars show ng Jeepney TV sinabi ni Jean na bilib siya sa pagsasama nila Jennica at Alwyn kaya inakala niyang hindi matutuloy ang kanilang paghihiwalay.

Read also

Sharon Cuneta: "Nag-away kami, naghiwalay kami tapos nagbati na kami so okay na kami"

Jean Garcia, umasa daw na hindi matutuloy ang paghihiwalay nina Alwyn at Jennica
Jean Garcia, umasa daw na hindi matutuloy ang paghihiwalay nina Alwyn at Jennica
Source: Youtube

Ani Jennica maging ang mga kapatid ni Alwyn ay hindi daw naniwalang matutuloy ang paghihiwalay nila.

Aminado naman si Jean na may konting tampo siya kina Jennica at Alwyn nung tuluyan na silang maghiwalay dahil naiisip niya ang kanyang mga apo na sina Mori at Alessi.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Jennica Garcia ay anak ng aktres na si Jean Garcia. Nang ikasal siya sa aktor na si Alwyn Uytingco, nagpasya si Jennica na iwan muna pansamantala ang showbiz upang matutukan ang kanilang pamilya.

Sa isang Instagram post ay binahagi ni Jennica ang natanggap na mensahe mula sa kanyang amang si Jigo Garcia. Tinatanong nito ang tungkol sa picture na binahagi ni Jennica at kung bakit ganoon daw ang kanyang suot. Kapansin-pansin din na dalawang beses iyong pinadala at mayroong mga naka-caps lock sa natanggap niyang message. Kaya naman, minabuti umano ni Jennica na burahin na lamang ang kanyang picture kahit hindi pa naman siya sinabihang burahin.

Kasunod ng pag-viral ng kanyang post kung saan ibinahagi niya ang message ng kanyang Papa Jigo, marami sa mga netizens ang nag-udyok kay Jennica na ipakita ang mukha ng kanyang ama. Kaya naman, nagbahagi si Jennica ng "Papa reveal" na post sa kanyang social media account. Ibinahagi niya ang aniya'y isa sa pinakapaborito niyang picture ng kanyang Papa Jigo. Wala itong damit pang-itaas at nakakubli sa isang malaking bato kung saan makikita ang under the sea background.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel