PK, masayang nakasama ang mga anak: "Kumpleto na ang Pasko ko"
- Binahagi ni Joel Mondina o mas kilala bilang si Pambansang Kolokoy ang pictures ng mga anak niyang sina Jason, Aaron at CJ
- Aniya, kompleto na ang pasko niya na makitang nagmamahalan ang kanyang mga anak at hindi tinuturing na iba ang kanilang nakababatang kapatid
- Dagdag pa niya, kahit ano pa ang mangyari, ang kadugo ay mananatiling ka dugo
- Ang mga anak niya ay tinuturing daw niyang regalo sa kanya ngayong pasko na hindi matutumbasan ng kahit ano pang regalo
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Masayang binahagi ni Joel Mondina o mas kilala bilang si Pambansang Kolokoy ang pictures ng mga anak niyang sina Jason, Aaron at CJ kasama ang anak pa niyang si Baby Juju. Aniya, kahit ano pa ang mangyari, ang kadugo ay mananatiling ka dugo.
Wala na raw siyang mahihiling pa kundi ang makita lang ang mga anak niya na mahal nila ang isa't-isa. Kalakip nito ay ang picture ng tatlong anak niya sa dating asawa na si Miss Grace kasama si Baby Juju.
Kumpleto na ang Pasko koWala na akong hihilingin pang iba kundi ang makita lang ang mga anak ko na mahal nila ang isat isa at ni minsan hindi itinuring na iba. Kahit ano pa ang nangyari, ang ka dugo ay mananatiling ka dugo. Merry Christmas po sa inyong lahat
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Ang mga anak niya ay tinuturing daw niyang regalo sa kanya ngayong pasko na hindi matutumbasan ng kahit ano pang regalo.
Ang content creator na si Joel Mondina o mas kilala bilang Pambansang Kolokoy ay nakilala sa kanyang mga nakakaaliw na mga online videos. Isinilang siya sa La Union at lumaki sa Baguio City kasama ang kanyang lolo at lola. Taong 1994 nang lumipat siya sa US para makasama ang kanyang mga magulang na OFW.
Matatandaang naglabas si Pambansang Kolokoy ng isang panibagong video na kanyang pinamagatang 'Buwelta.' Dito ay sinabi niyang gusto niyang sagutin ang aniya'y kumakalat na balita sa ngayon. Kabilang sa kanyang mga sinagot sa naturang vlog ay ang paggastos daw niya ng pera ng anak niya. Idinaan ni PK ang kanyang kasagutan sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa kasamahan niya sa Batang Quiapo na si Hap Rice.
Samantala, nakasama ni Pambansang Kolokoy ang kanyang mama sa kanyang vlog. Sa intro ng kanyang vldeo ay sinabi ng mag-ina dahil may mga gusto daw siyang linawin sa mga lumabas na bali-balita. Gayunpaman, hindi din naman natuloy ang kanyang pagsasalita dahil tinawag siya at hindi na bumalik sa video. Natapos ang vlog ni PK na kasama niya ang anak niyang si Baby Juju at nag-mukbang.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh