Melai Cantiveros, kinaaliwan sa kanyang paggaya sa dance moves ni Marian Rivera

Melai Cantiveros, kinaaliwan sa kanyang paggaya sa dance moves ni Marian Rivera

- Kinaaliwan si Melai Cantiveros sa kanyang pagsayaw ala Marian Rivera sa Magandang Buhay

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

- Kamakailan ay guest sa kanilang show ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera

- Bago lumabas ang mag-aswa ay sinayaw ni Melai ang isa sa pinakapumatok na dance trend na ginawa ni Marian sa TikTok

- Marami ang natuwa at naaliw sa pagsayaw ni Melai

Nag-ala Marian Rivera si Melai Cantiveros-Francisco matapos niyang sayawin ang isa sa pinakapumatok na dance trend na ginawa ni Marian sa TikTok. Kamakailan nga ay nag-guest ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera sa Magandang Buhay.

Melai Cantiveros, kinaaliwan sa kanyang paggaya sa dance moves ni Marian Rivera
Melai Cantiveros, kinaaliwan sa kanyang paggaya sa dance moves ni Marian Rivera
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Pati ang pananamit ni Marian sa kanyang mga viral TikTok videos ay gayang-gaya din ni Melai. Nakasuot siya ng simple at naka-sombrero.

Read also

Sharon Cuneta, nabahala sa lagay kalusugan: "Please, if you can pray for me?"

Tawang-tawa naman si Regine kay Melai na tuwang-tuwa nang makita ang kanilang guest.

Marami ang natuwa at naaliw sa pagsayaw ni Melai. Narito ang ilan sa mga komento:

Hahaha kuhang kuha ni Melai dance moves ni Marian ah, nice n graceful
Hangkyut! Melai for the win!
Melay ang sakit tyan ko kakatawa sayu

Unang nakilala sa mundo ng showbiz si Melai Cantiveros nang hirangin siyang big winner ng Pinoy Big Brother: Double Up noong 2009. Dito niya rin nakilala ang kanyang mister sa tunay na buhay na si Jayson Francisco. Sila ay nabiyayaan ng dalawang anak.

Isang mensahe ang binahagi kamakailan ni Melai kaugnay sa pagpanaw ng kanyang tiyuhin. Ang kanyang Uncle Joy umano ang pinakapaborito niyang uncle at habambuhay niyang alalahanin ang kabutihan ng kanyang tiyuhin sa kanya. Aniya, masakit para sa kanya ang pagpanaw ng tiyuhin. Alam niyang hindi magiging madali sa kanya lalo at lagi umano siyang pumupunta sa bahay ng tiyuhin niya tuwing uuwi siya sa kanilang probinsiya.

Read also

Sharon Cuneta, inihayag ang pangungulila kay KC: "One seat is empty but place still set"

Samantala, ang mensahe ni Melai para sa kaarawan ng mister na si Jason Francisco ay kanyang binahagi sa kanyang social media account. Marami sa mga followers ng mag-asawa ang natuwa sa mensahe niya kung saan pabiro niyang inilarawan ang mister bilang kanyang "Best Enemy." Agad naman niya itong binawi at sinabing isang mabuting ama si Jason sa kanilang mga anak. Aniya, palagi lang silang mag-iinang nasa tabi ni Jason anuman ang mangyari.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel