Mariel Padilla, nagluluksa sa pagpanaw ng kanyang mommy

Mariel Padilla, nagluluksa sa pagpanaw ng kanyang mommy

- Ibinahagi ni Mariel Padilla sa kanyang Instagram post ang kanyang mensahe para sa kanyang mommy na si April Ihata

- Nagpasalamat siya sa mommy niya dahil sa pagiging proud nito lagi sa kanya

- Matatandaang sa isang vlog ni Mariel ay naibahagi niya ang pagbisita nila ng kanyang mga anak sa kanyang mommy

- Sa naturang vlog ay naibahagi ng mommy niya na naging mas malapit silang mag-ina nung naging nanay na si Mariel

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Pinasalamatan ni Mariel Padilla ang kanyang mommy na si April Ihata. Kalakip ito ng post niya kung saan naibahagi niya ang tungkol sa pagpanaw ng kanyang mommy.

Mariel Padilla, nagluluksa sa pagpanaw ng kanyang mommy
Mariel Padilla, nagluluksa sa pagpanaw ng kanyang mommy
Source: Instagram

Bumuhos naman ang pakikiramay kay Mariel kabilang na ang mula sa mga malalapit na kaibigan niya sa showbiz. Kabilang sina Bianca Gonzalez, Karylle, Marjorie Barretto at Aiko Melendez sa mga nagpahayag ng kanilang pakikiramay.

Read also

Herlene Budol matapos masangkot sa isyu: "Bakit ako nakaladkad?"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Matatandaang sa isang vlog ni Mariel ay binahagi niya ang pagpunta nila kasama ang dalawang anak sa bahay nila non. Sa naturang vlog ay naibahagi ng mommy ni Mariel na mas malapit ito sa kanyang lola. Gayunpaman, nung naging nanay na rin daw si Mariel ay naging mas malapit sila.

Si Mariel Rodriguez-Padilla ay isang Filipina model, endorser, television host, VJ at aktres. Siya ay isang American Citizen. Ikinasal sila ng actor na si Robin Padilla noong Agosto 19, 2010 sa Taj Mahal sa India. Nagkakilala sila nang minsang naging guest host si Robin sa Wowowee kung saan regular na co-host naman si Mariel ni Willie Revillame. Mayroon na silang dalawang anak, si Isabella at Gabriela.

Matatandaang nagbahagi ng picture si Mariel sa kanyang Instagram feed. Ito ay ang picture niya kasama ang kanyang dalawang anak na sina Isabella at Gabriela. Marami ang humanga at nakapansin sa kagandahan ng mag-iina kaya naman, marami ang nagkomento sa naturang post ni Mariel.

Nagbigay naman ng babala si Mariel kaugnay sa fake account na nagkukunwaring siya. Sa binahaging screenshot ni Mariel, makikita na ang tinutukoy niyang fake account ay may handle na @marieltpadilla_. Dinagdagan lamang ng underscore ang dulo ng username kaya marami ang maaring maniwalang pagmamay-ari iyon ni Mariel. Makikita sa profile ng fake account na nang-eengganyo ito bilhin ang mga produktong tinitinda niya.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel