Herlene Budol matapos masangkot sa isyu: "Bakit ako nakaladkad?"

Herlene Budol matapos masangkot sa isyu: "Bakit ako nakaladkad?"

- Nagtanong si Herlene Nicole Budol kung bakit daw siya nakakaladkad

- Ito ay sa gitna ng kinasasangkutang isyu nila ng kanyang co-star sa 'Magandang Dilag' na si Rob Gomez

- Sa isa pa niyang post ay sinabi niyang ginagawan lang siya ng isyu

- Sinabi naman ni Rob na hindi pa rin niya nakukuha ang kanyang cellphone matapos itong gamitin para makapag-post sa social media ng aktor

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Napatanong si Herlene Nicole Budol kung bakit siya nakaladkad. Ito ay sa gitna ng kinasasangkutan niyang isyu kasama ang kanyang Magandang Dilag co-star na si Rob Gomez.

Herlene Budol matapos masangkot sa isyu: "Bakit ako nakaladkad?"
Herlene Budol matapos masangkot sa isyu: "Bakit ako nakaladkad?"
Source: Instagram

Sa post ni Herlene sa X, sinabi niya din na gingagawan na lang siya ng isyu kagaya noong nasa Wowowin pa siya na sinabi daw na buntis siya.

Read also

Rob Gomez: "My phone is still not in my possession"

Patungkol naman sa kumalat na convo screenshots, walang diretsahang pag-amin o pag-deny mula sa kanya.

Ang naturang convo ay sinasabing sa pagitan ng dalawa. Nabanggit din doon ang posibilidad na maaring buntis na siya at nagbahagi pa ng picture ng home pregnancy test.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Herlene "Hipon" Budol ay unang nakilala sa kanyang bansag na Hipon Girl sa programa ni Willie Revillame na Wowowin. Minahal siya ng kanyang mga tagahanga at tagasubaybay dahil sa pagiging prangka nito kahit pa sa harap ng kamera. Kamakailan ay sumali siya sa Binibining Pilipinas kung saan naging first runner up siya.

Matatandaang binahagi ni Herlene ang kanyang pakikipagkaibigan sa mga kapwa niya sa kandidata sa Miss Planet International 2022. Pinatikim niya sa mga ito ang dala niyang kutkutin na buto ng kalabasa. Tinuruan niya ang mga ito kung paano ang tamang pagkain nito at mukhang nagustuhan naman nila ang lasa. Matatandaang pumunta si Herlene sa Uganda sa Africa para sana sumabak sa Miss Planet.

Sa post ni Wilbert Tolentino, sinabi niyang hindi na kasali sa Miss Planet International 2022 si Herlene. Sa kanyang binahagi sa Facebook, sinabi ni Wilbert na ito ay dahil sa umano'y "uncertainties" sa panig ng mga organizers. Humingi siya ng dispensa sa mga supporters at lahat ng sponsors at designer at pinasalamatan niya din ang mga ito. Ito sana ang kauna-unahang international pageant ni Herlene.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel