Rob Gomez: "My phone is still not in my possession"

Rob Gomez: "My phone is still not in my possession"

- Binasag na rin ni Rob Gomez ang kanyang katahimikan sa gitna ng kinasasangkutang isyu

- Sa isang Facebook post, sinabi ni Rob na wala pa rin sa kanya ang kanyang phone

- Matatandaang sa mismong Instagram account niya nai-post ang screenshot ng diumano'y convo nila ng co-star niya sa Magandang Dilag na si Herlene Budol

- Sinabi din ni Herlene na ginagawan lang siya ng isyu na buntis umano siya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nag-post si Rob Gomez ng pahayag sa gitna ng kinasasangkutang isyu. Aniya, wala pa din sa kanya ang kanyang phone hanggang sa kasalukuyan.

Rob Gomez: "My phone is still not in my possession"
Rob Gomez: "My phone is still not in my possession"
Source: Instagram

Kasalukuyang usap-usapan ang aktor at ang co-star niya sa Magandang Dilag na si Herlene Nicole Budol.

Sa mismong Instagram account kasi ni Rob naibahagi ang diumano'y convo ni Rob at Herlene kung saan lumalabas sa usapan ang diumano'y possibleng pagbubuntis ni Herlene.

Read also

Ogie D sa pananahimik ni Blythe: "Siguro hindi na rin siya pinagsasalita ng taga-production"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nauna na ring sinabi ni Herlene na kagaya sa ginwang isyu noon sa Wowowin pa siya na nagdadalang-tao siya, ginagawan lang din daw siya ng isyu sa ngayon.

Si Herlene "Hipon" Budol ay unang nakilala sa kanyang bansag na Hipon Girl sa programa ni Willie Revillame na Wowowin. Minahal siya ng kanyang mga tagahanga at tagasubaybay dahil sa pagiging prangka nito kahit pa sa harap ng kamera. Kamakailan ay sumali siya sa Binibining Pilipinas kung saan naging first runner up siya.

Matatandaang binahagi ni Herlene ang kanyang pakikipagkaibigan sa mga kapwa niya sa kandidata sa Miss Planet International 2022. Pinatikim niya sa mga ito ang dala niyang kutkutin na buto ng kalabasa. Tinuruan niya ang mga ito kung paano ang tamang pagkain nito at mukhang nagustuhan naman nila ang lasa. Matatandaang pumunta si Herlene sa Uganda sa Africa para sana sumabak sa Miss Planet.

Sa post ni Wilbert Tolentino, sinabi niyang hindi na kasali sa Miss Planet International 2022 si Herlene. Sa kanyang binahagi sa Facebook, sinabi ni Wilbert na ito ay dahil sa umano'y "uncertainties" sa panig ng mga organizers. Humingi siya ng dispensa sa mga supporters at lahat ng sponsors at designer at pinasalamatan niya din ang mga ito. Ito sana ang kauna-unahang international pageant ni Herlene.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel