Tom Taus, inalala si Ronaldo Valdez na gumanap na lolo niya sa pelikulang 'Cedie'
- Inalala ni Tom Taus ang kanyang Tito Ronaldo Valdez sa pamamagitan ng pagbabahagi ng kanilang pictures na magkasama
- Pinasalamatan niya ito at binahagi din niya ang video clip mula sa pelikulang Cedie
- Nagkasama ang dalawa sa naturang pelikula bilang mag-lolo at tumatak din ito sa mga manonood
- Matatandaang naibahagi ng batikang aktor na nagkita pa sila ni Tom matapos ang 27 na taon
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Pinasalamatan ni Tom Taus ang yumaong aktor na si Ronaldo Valdez. Sa kanyang Instagram post ay binahagi niya ang ilang pictures na magkasama sila na mula sa pelikulang Cedie.
Nagkasama silang dalawa noon sa naturang pelikula kung saan gumanap na Cedie si Tom at ang kanyang lolo naman ay si Ronaldo.
Matatandaang nitong taon din ay naibahagi ng batikang aktor ang pictures ng muli nilang pagkikita ni Tom matapos ang 27 na taon.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Sa post ni Tom, kabilang ang video clip mula sa pelikula nila kung saan nagpasalamat siya sa kanyang lolo na Earl of Dorincourt sa naturang pelikula kaya tinawag bilang mahal na Conde.
Marami naman ang nalungkot lalo na ang mga nakapanood ng kanilang pelikula na hanggang sa kasalukuyan ay inaalala pa rin bilang bahagi ng kabataan ng marami.
Si Ronald James Dulaca Gibbs o kilala sa kanyang screen name na Ronaldo Valdez ay isang batikang aktor sa pelikula at telebisyon. Siya ang ama ng actor-comedian, TV host at singer na si Janno Gibbs.
Kinumpirma ni Janno ang tungkol sa pagpanaw ng kanyang ama sa pamamagitan ng isang social media post. Hiling daw ng kanilang pamilya na irespeto ang kanilang privacy sa kanilang pagluluksa. Bumuhos ang pakikiramay kay Janno at sa kanilang pamilya sa pagkawala ng batikang aktor. Lumabas ang balita tungkol sa pagpanaw ng ama niya noong December 17 2023.
Samantala, sinibak sa pwesto ang dalawang QCPD police matapos kumalat ng video ng pagresponde sa aktor na si Ronaldo Valdez. Marami ang naalarma sa naturang video na umano'y kuha sa aktwal na sitwasyon ng aktor sa loob ng kanyang silid noong Disyembre 17. Labis na ikinagalit ng manager ni Valdez na si Jamela Santos ang pagkalat ng video. Sa kanyang social media post, nasabi niyang mananagot ang kung sinumang bumastos sa legasiya ng batikang aktor tulad ni Ronaldo Valdez.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh