Alex Gonzaga, naiyak matapos pagkaisahang i-prank ng ate at mommy niya

Alex Gonzaga, naiyak matapos pagkaisahang i-prank ng ate at mommy niya

- Ibinida ni Alex Gonzaga ang kanyang version ng spaghetti mula sa recipe ng kanyang mommy

- Sa kanyang bagong vlog, tatlo sila nina Mommy Pinty at Toni Gonzaga na nagpagalingan ng luto

- Habang nagluluto si Alex ay pinakitaan siya ng hindi kaaya-ayang reaksiyon nina Toni at mommy nila

- Naapektuhan si Alex at kinalaunan ay naiyak dahil nainis na daw siya sa ate at mommy nya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naiyak si Alex Gonzaga matapos niya makita ang reaksiyon ng kanyang Mommy Pinty at Toni Gonzaga nang tikman nila ang niluto niyang spaghetti. Nagpagalingan silang tatlo sa kanilang luto.

Alex Gonzaga, naiyak matapos pagkaisahang i-prank ng ate at mommy niya
Alex Gonzaga, naiyak matapos pagkaisahang i-prank ng ate at mommy niya
Source: Youtube

Ani Alex, gustong-gusto nila ang spaghetti ng kanilang mommy. Nang magkapamilya na si Toni ay nakagawa daw siya ng sarili niyang version ng spaghetti ng mommy nila.

Read also

Jolina, habang nanonood ng KDrama: "Panginoon, ang babait po ng mga anak ko"

Aniya, ngayong may asawa na siya ay meron na din daw siyang sarili niyang version.

Unang pinatikman niya kay Toni ang luto niya at biniro din ang ate niya. Dinamihan niya ng asin ang luto nang pinatikim kay Toni. Nagkunwari namang napikon si Alex. Maging si Mommy Pinty ay pinakita din na hindi siya nasarapan sa luto ni Alex.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Nang tikman na ang kanilang mga luto, nanalo ang spaghetti ni Toni. Katwiran naman ni Alex, inaway at na-pressure daw kasi siya kaya naapektuhan ang kanyang niluluto.

Ang TV host-actress na si Alex Gonzaga ay unang sumikat sa mundo ng showbiz bilang nakababatang kapatid ni Toni Gonzaga. Isa siya sa mga maituturing na pinakanauna at pinakamatagumpay na YouTuber sa bansa na mayroon nang mahigit milyon-milyong subscribers sa kasalukuyan.

Nagkomento si Alex sa vlog ni Luis Manzano kung saan nakausap niya sina Whamos Cruz at Antonette Gail. Sa naturang vlog ay naibahagi nila ang tungkol sa pagsisimula ng kanilang pagmamahalan at sa kanilang buhay bilang mga magulang. Nabanggit ni Luis na nakuha niya kay Alex ang number ni Whamos at nagbiro pa ito na sinabi daw ni Alex na hindi siya mabait. Ani Alex, nakakuha na siya ng guest nanira pa ito sa kanya nang sabihan siya ni Luis na naninira ito.

Read also

Ivana Alawi, namahagi ng biyaya matapos ang "Buying the whole store challenge" niya

Kinaaliwan si Alex sa kanyang vlog kung saan ginawa niya ang "Yaya for a Day vlog" . Inalagaan niya ang anak ni Winnie Wong na si Suri at kasama niya ang kaibigang si Fifth Solomon. Ani Alex, si Winnie ang tumulong sa kanya nang umpisahan niya ang kanyang vlog at may anak na ito samantalang siya ay si Fifth pa rin ang kasama. Marami ang naaliw kay Alex at humiling na sana ay mabiyayaan na siya ng anak.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate