Ivana Alawi, namahagi ng biyaya matapos ang "Buying the whole store challenge" niya

Ivana Alawi, namahagi ng biyaya matapos ang "Buying the whole store challenge" niya

- Namahagi si Ivana Alawi ng biyaya sa mga taong kapus-palad na kanilang nadaanan

- Bago ang kanilang pamamahagi, nagkaroon muna sila ng challenge kung saan binili niya ang lahat ng paninda sa isang tindahan

- Napili nila ang tindahan na nagbigay sa kasama nila na nagkunwaring nawalan ng pera at cellphone

- Ani Ivana, ito ang kanilang paraan ng pagbabahagi ng biyayang natatanggap nila sa tulong na rin ng lahat ng sumusuporta sa kanilang vlogs

Namahagi ng biyaya si Ivana Alawi bilang kanyang pasasalamat at pagbabahagi ng biyayang natatanggap nila sa tulong na rin ng lahat ng sumusuporta sa kanilang vlogs.

Ivana Alawi, namahagi ng biyaya matapos ang "Buying the whole store challenge" niya
Ivana Alawi, namahagi ng biyaya matapos ang "Buying the whole store challenge" niya
Source: Youtube

Namili sila ng tindahan na bibilhin nila ang lahat ng paninda. Ginawa nila ito sa tulong ng isang kasamahan nila na nagkunwaring nawalan ng cellphone at pera.

Sinubukan nitong mangutang o manghingi sa tindahan at nabigyan naman siya. Gayunpaman, tagabantay lamang ng tindahan ang naroroon kaya tinawagan pa nila ang may-ari.

Read also

Papi Galang, may makahulugang post tungkol sa gaslighting: "I’m soooo done"

Umabot sa P120,000 ang binayran ni Ivana sa lahat ng paninda at nagbigay din siya ng 20K sa tindera.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Ivana Alawi ay sumikat at nakilala matapos niyang pasukin ang paggawa ng YouTube content. Kahit dati nang artista, mas sumikat siya nang naging vlogger siya. Sa katunayan mayroon nang mahigit 16 milyon ang kanyang subscribers sa YouTube. Matapos ang pagsikat niya sa social media, nagkaroon siya ng maraming oportunidad kabilang na ang pagbida niya sa isang serye.

Kamakailan ay kinaaliwan sina Dra. Vicki Belo at asawa niyang si Hayden Kho sa vlog kung saan naging magulang sila nina Mona at Ivana habang naglilibot sa Italy. Sa simula ng vlog ay makikita ang mag-asawa at sinabi ni Dra. Belo na kailangan ng mga anak nila ng disiplina ni Hayden at pang-spoil ni Doktora. Agad pinuna ni Dra. Belo ang kanyang pananamit at sinara ang suot nitong cardigan sabay nagbiro na siya na lang ang magsasara dahil delikado pag si Hayden. Natawa naman si Hayden sa biro niyang ito kaya nabatukan niya ito nang pabiro.

Read also

Toni Fowler: "Wag kang babalik ng iiyak-iyak ha? Panindigan mo yan"

Naibahagi din ni Ivana Alawi sa vlog niya ang bahay nila sa Bacood Sta Mesa. Paglilinaw nila ni Mona, nagsimula sila sa simpleng buhay taliwas sa nakikita sa kanilang vlog. Kinuwento nila ang kanilang mga memories sa dating bahay na ayon sa kanila ay malaki na para sa kanila. Pinakita nila ang ilang bahay na kanilang nilipat-lipatan noong doon sila nakatira.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel