Jolina, habang nanonood ng KDrama: "Panginoon, ang babait po ng mga anak ko"

Jolina, habang nanonood ng KDrama: "Panginoon, ang babait po ng mga anak ko"

- Ibinahagi ni Jolina Magdangal ang eksena ng kanyang mga anak habang siya ay nanonood ng Kdrama

- Alam daw ng mga ito na oras niya ito ng panonood, at nagulat siya na tahimik lang din ang mga ito

- Napa-thank you Lord si Mommy Jolens para sa mababait niyang mga anak

- Kamakailan, ibinahagi naman ni Jolina ang band rehearsals ng kanyang mister na si Mark Escueta para sa reunion ng banda nitong Rivermaya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sa pinakabagong post ni Jolina Magdangal, ipinakita niya ang pinagkakaabalahan ng kanyang mga anak na sina Pele at Vika habang siya ay nanonood ng KDrama.

Jolina, napa-TY kay Lord sa mamabait na mga anak habang siya'y nanonood ng KDrama
Jolina, Pele and Vika (Jolina Magdangal)
Source: Facebook

Aniya, alam ng kanyang mga anak na oras niya ito ng panonood kaya naman laking gulat niya nang makitang nananahimik din ang mga ito.

Read also

Kathryn Bernardo, may panibagong post: "No looking back, only moving forward"

"Nagulat ako tahimik yung dalawa yun pala…. Sa phone nalang sila nanood"

Dahil dito, nagpasalamat si Momshie Jolens sa Panginoon sa kanyang mababait na mga anak.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Samantala, maging ang mga netizens ay humanga rin sa kabaitan at sa respeto ng mga anak ni Jolina sa kanilang ina na binibigyan nila ng oras na gawin ang nais nito.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Ang bait naman ng mag-kuya"
"Sabi nga po kung mabuti ang puno ganon din ang bunga momshie Jolina pinagpala ka ng Diyos"
"E kanino pa ba magmamana?"
"Dahil mabuti rin po kayong magulang Momshie Jolens"

Narito ang kabuuan ng post:

Si Jolina Magdangal ay isang singer, actress at entrepreneur sa Pilipinas. Sa ngayon, aktibo pa rin siya sa showbiz bilang isa sa mga host ng 'Magandang Buhay' kasama si Melai Cantiveros at ang Asia's Songbird na si Regine Velasquez. Napangasawa ni Jolina ang drummer ng Rivermaya na si Mark Escueta.

Read also

Ogie, dinipensahan ang ina ni Andrea: "Kelan ba naging krimen 'yung pagtulong sa pamilya?"

Marami ang patuloy pa rin na humahanga kay 'Momshie Jolens' dahil na rin sa mga nakakaaliw niyang mga post lalong-lalo na ang mga videos na kasama ang mga anak na sina Pele at Vika.

Kamakailan, naibahagi rin ni Momshie Jolens ang band rehearsals ng kanyang mister na si Mark Escueta para sa nalalapit ng reunion ng Rivermaya. Tila ito umano ang unang pagkakataong nakita sa publiko na magkakasama muli at halos kumpleto ang nasabing banda.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel