Kathryn Bernardo, may panibagong post: "No looking back, only moving forward"

Kathryn Bernardo, may panibagong post: "No looking back, only moving forward"

- Nagbahagi si Kathryn Bernardo ng appreciation post tungkol sa mga bagay na aniya ay nagpangiti sa kanya nitong mga nakaraang araw

- Sa kanyang Instagram post ay makikita ang pictures ni Kathryn sa kuha sa kanyang pamamasyal at kasama ang mga mahal sa buhay

- Kalakip ng kanyang mensahe ay ang tungkol sa pagpapatuloy ng buhay at hindi paglingon sa nakaraan

- Kagaya sa mga posts niya nitong mga nakaraang araw, limitado lang din ang nakakapagkomento sa kanyang post

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagbahagi ng appreciation post si Kathryn Bernardo sa mga bagay na aniya ay nakakapagpangiti sa kanya nitong mga nakaraang linggo. Kalakip ng kanyang mensahe ay tungkol sa pagpapatuloy ng buhay at hindi paglingon sa nakaraan.

Kathryn Bernardo, may panibagong post: "No looking back, only moving forward"
Kathryn Bernardo, may panibagong post: "No looking back, only moving forward"
Source: Instagram
Appreciation post for the little things that have been making me smile the past few weeks... No looking back, only moving forward.

Read also

Ellen Adarna, kinaaliwan sa kanyang overlined red lips

Ito ay sa kabila ng mga pag-uudyok ng mga fans ng KathNiel na sana ay magkabalikan ang dalawa matapos silang makitang magkasama sa dalawang magkakasunod na mga event na talaga namang lumikha ng ingay sa social media.

Kagaya sa mga posts niya nitong mga nakaraang araw, limitado lang din ang nakakapagkomento sa kanyang post. Kabilang sa mga nagkomento ay ilang mga kaibigan ng aktres sa showbiz.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Kathryn Bernardo ay isang aktres na unang nakilala sa mundo ng showbiz nang gumanap siya bilang ang batang Cielo sa Kapamilya teleseryeng "It Might Be You". Kinalaunan ay naipareha siya kay Daniel Padilla at nakilala ang tambalan nila bilang "KathNiel."

Kabilang sina Kathryn at Daniel sa mga guests sa kasalang Cathy Garcia-Molina-Louie Sampana. Sa reception ay si Kathryn ang nakasalo ng bouquet na inihagis ng bride. Naibahagi ni Janus del Prado ang video ng pagsuot ni Daniel ng garter sa binti ni Kathryn. Kinantiyawan si DJ na itaas pa ang garter ngunit aniya ay mataas na raw ang pagkakasuot nito.

Read also

Cristy, nasagap ang tungkol sa mga umano'y bigay ni Daniel kay Kathryn: "Nakalagay na sa kahon"

Ikinatuwa naman ng mga fans ni Kathryn ang post ng aktres kung saan ibinahagi niya ang kanyang picture. Aniya, kuha ito sa set ng kanyang bagong pelikula na pinamagatang 'A Very Good Girl.' Agad itong nag-viral at umani ng mga papuri at positibong komento. Marami ang humanga sa ganda ni Kathryn at may mga naghayag ng kanilang pagsuporta kay Kathryn.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel