Cristy, nasagap ang tungkol sa mga umano'y bigay ni Daniel kay Kathryn: "Nakalagay na sa kahon"

Cristy, nasagap ang tungkol sa mga umano'y bigay ni Daniel kay Kathryn: "Nakalagay na sa kahon"

- Ibinahagi ni Cristy Fermin ang umano'y nasagap sa kanyang source tungkol sa Kathniel

- Aniya, ang mga gamit na mula kay Daniel Padilla ay ikinahon na umano ni Kathryn Bernardo

- Nasabi ni Cristy na ito umano ang paraan ni Kathryn upang madali siyang maka-move on

- Nobyembre 30 nang kumpimmahin ng KathNiel ang kanilang hiwalayan matapos ang 11 taon ng kanilang relasyon

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

May nasagap na naman umano si Cristy Fermin mula sa kanyang source patungkol kina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Cristy, nasagap ang tungkol sa mga gamit na bigay ni Daniel kay Kathryn: "Nakalagay na sa kahon"
Daniel and Kathryn (@supremo_dp)
Source: Instagram

Kasalukuyang abal na umano ang pamilya ni Kathryn sa nalalapit na paglipat nila sa pinagawa nitong bahay.

Subalit hindi lahat ng kagamitan ay dadalhin pa raw ito sa bago nilang tahanan.

Sinasabing ilan nga sa mga ito ay ang mga gamit na bigay sa kanya ng dating nobyong si Daniel.

Read also

Alora Sasam sa netizen: "If alam mo rin ang nalalaman ko po, di ito comment mo"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Ito po lilinawin na naming tatlo. Hindi po galing kay Kathryn Bernardo o sa kanyang pamilya ang kwentong itatawid namin sa inyo. Alam niyo po ba na may isang source na nagkwento sa amin na lahat daw po ng iniregalo, ibinigay at kung anuman ni Daniel padilla kay Kathryn Bernardo ay nakabodega na ngayon. Nakalagay na sa kahon," ani Cristy.

"Ang katwiran siguro ni Kathryn, mas madali siyang makasusulong, makapagmu-move-on kapag wala na siyang nakikita na anumang bigay sa kanya," dagdag pa niya.

Narito ang kabuuan ng umano'y nakarating na kwento kay Cristy mula sa Showbiz Now Na! YouTube:

Si Kathryn Bernardo ay isang aktres na unang nakilala sa mundo ng showbiz nang gumanap siya bilang ang batang Cielo sa Kapamilya teleseryeng "It Might Be You". Kinalaunan ay naipareha siya kay Daniel Padilla at nakilala ang tambalan nila bilang "KathNiel."

Read also

Breakup message ni Daniel Padilla para kay Kathryn Bernardo, burado na

Matatandaang binalot kamakailan ng kontrobersiya ang Kathniel matapos umanong maibahagi ni Ogie Diaz ang kanya umanong nabalitaan sa isang source tungkol kina Daniel Padilla at Andrea Brillantes. Inulan ito ng batikos na humantong pa sa puntong inakusahan si Ogie na nagpapakalap umano ng fake news.

At nito lamang Nobyembre 30, halos sabay na kinumpirma nina Kathryn at Daniel ang kanilang paghihiwalay na matagal nang naging bali-balita bago pa man ipalabas ang pelikula ni Kathryn na A Very Good Girl. Sa pamamagitan ng kani-kanilang post, naglahad ng saloobin ang dalawa upang ipaunawa lalo na sa kanilang mga fans ang parehong desiyon na mayroon pa rin umanong respeto at pagmamahal.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel