Ellen Adarna, kinaaliwan sa kanyang overlined red lips

Ellen Adarna, kinaaliwan sa kanyang overlined red lips

- Kinaaliwan si Ellen Adarna sa kanyang post sa Instagram kung saan sinubuka niyang gayahin ang napanood na video

- Ginawa niya sa kanyang bibig ang overlined lips gamit ang kulay pulang lipstick

- Maging si Ellen ay natawa sa kinalabasan ng kanyang paglalagay ng makeup na nauuso lalo na sa mga babaeng gustong kumapal tingnan ang kanlilang bibig

- Umani ng komento at reaksiyon ang post na ito ni Ellen

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sinubukan ni Ellen Adarna na gayahin ang isang video na kanyang napanood. Maging siya ay natawa sa kinalabasan ng kanyang overlined red lips.

Ellen Adarna, kinaaliwan sa kanyang overlined red lips
Ellen Adarna, kinaaliwan sa kanyang overlined red lips
Source: Instagram

Nauna niya itong binahagi sa kanyang Instagram stories kasunod ng video na kanyang pinaggayahyan.

Maging si Ellen ay natawa sa kinalabasan ng kanyang paglalagay ng makeup na nauuso lalo na sa mga babaeng gustong kumapal tingnan ang kanlilang bibig.

Read also

Melai Cantiveros sa pag-attend sa AAA: "It's an honor, I feel like I am the first honor"

Narito ang ilan sa mga komento:

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ganda tlga wlang kupas
Hahahahaha still very pretty though
This is what I love about ellen, so unapologetic. And she dont care about posting some unflattering photos of herself unlike others.

Si Ellen Adarna o Ellen Meriam Go Adarna-Ramsay sa totoong buhay ay ang panganay na anak na babae ng isang prominenteng pamilya sa Cebu. Sila ay nagmamay-ari ng maraming condominiums, hotels, resorts, at mga motel sa Timog at pati na rin sa Manila at Davao. Isa din siyang kilalang modelo na nagsimula bilang isang sikat na social media celebrity na kinalaunan ay naging isa sa mga 'Star Magic' artist mula noong taong 2013. Naging cover girl din siya sa iba't-ibang magazines.

Sa kanyang IG stories kamakailan ay sinagot ni Ellen ang tanong ng netizens sa kanya. Isa sa mga naitanong sa kanya ay patungkol sa mga haters at bashers. Naitanong sa kanya kung paano siya sa kanyang mga bashers. Direktang sinagot ni Ellen ang tanong na ito. "Kebs" daw siya sa mga ito dahil hindi naman sila ang nagpapakain sa kanya.

Read also

Video ng pagkikita nina Kyline Alcantara at Mavy Legaspi sa isang event, viral

Samantala, kamakailan ay binahagi ni Ellen sa social media post niya ang video ng anak niyang si Elias na mas pinipiling tumabi kay Derek. Base sa video mukhang kuha ito sa loob ng eroplano kung saan makikita si Derek na nakaupo sa isang malaking airplane seat. Makikita si Elias na nakasiksik sa tabi ni Derek habang may pinapanood. Maririnig sa video ang pagpapabalik sa kanya sa upuan niya ngunit aniya ay mas gusto niyang matulog katabi ang kanyang "Papa D."

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel