Maja Salvador, grabe daw ang naranasang pregnancy symptoms: "All day sickness siya"

Maja Salvador, grabe daw ang naranasang pregnancy symptoms: "All day sickness siya"

- Nagbahagi ang mag-asawang Maja Salvador at Rambo Nuñez kaugnay sa kanilang karanasan sa pagbubuntis ni Maja

- Sa panayam ni Bernadette Sembrano, naibahagi ni Maja na maayos ang kapit ng kanilang anak ngunit grabe daw ang kanyang naranasang pregnancy symptoms

- Dahil sa kanyang mga naranasang symptoms ay natigil daw sa pagiging workaholic si Maja

- Hindi daw masyadong makatayo si Maja dahil halos buong araw siyang nahihilo

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Masayang nagkwento sina Maja Salvador at Rambo Nuñez kaugnay sa kanilang karanasan sa pagbubuntis ni Maja sa vlog ni Bernadette Sembrano. Mula sa pagiging workaholic ay nasa bahay na lang daw si Maja dahil nakahilata lang daw siya buong araw.

Maja Salvador, grabe daw ang naranasang pregnancy symptoms: "All day sickness siya"
Maja Salvador, grabe daw ang naranasang pregnancy symptoms: "All day sickness siya"
Source: Youtube

Hindi daw masyadong makatayo si Maja dahil halos buong araw siyang nahihilo.

Dahil daw sa hormones ng pregnancy, naging emotional si Maja at naiiyak siya pag uuwi ang kanyang asawa. Sabi niya pakiramdam niya ay useless siya.

Read also

Maja Salvador, ibinahagi ang gender reveal video nila

Dahil dito ay nagso-sorry din daw siya sa anak niya dahil aniya ay mali naman na isipin iyon dahil dinadala niya ang kanilang anak.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Araw-araw daw ang kanyang baby na lang ang kanyang kinakausap.

Si Maja Salvador ay isang aktres, performer, recording artist at product endorser. Sumikat siya dahil sa kanyang husay sa pag-arte at pagsayaw. Sa katunayan binansagan siyang Queen of the dance floor.

Noong Oktubre nang nakaraang taon, extended ang birthday celebration ni Maja sa Eat Bulaga. Sinurpresa siya ng kanyang mga Eat Bulaga Dabarkads gayundin ng kanyang best friend na si Pooh at kapatid na si Jessie na naki-hataw sa kanya sa stage. Hindi rin inaasahan ni Maja ang birthday message sa kanya ng kanyang Mommy Thelma. Inalala kasi nito ang dating pangarap lamang nila na makatuntong sa entablado ng Eat Bulaga at mapanood sa telebisyon.

Read also

Annabelle Rama, umalma sa mga fake news: "Gigil na gigil na akong isiwalat ang katotohanan"

Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Miles Ocampo ang kanyang picture kung saan nagpahiwatig siya ng panibagong simula. Kapansin-pansin din ang mga letrang CAM na naka-capitalize na nangangahulugang Crown Artist Management. Maging ang aktres na si Maja na kilalang may-ari ng naturang agency ay nagkomento sa Instagram post ni Miles. Matatandaang nauna na si John Lloyd Cruz na lumipat sa pangangalaga ng Crown Artist Management.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel