Annabelle Rama, umalma sa mga fake news: "Gigil na gigil na akong isiwalat ang katotohanan"

Annabelle Rama, umalma sa mga fake news: "Gigil na gigil na akong isiwalat ang katotohanan"

- Umalma si Annabelle Rama sa mga ibinibintang sa kanya kasunod ng kanyang naging pahayag sa panayam ni MJ Felipe

- Nilinaw niyang mali ang aniya'y lumalabas sa social media kung saan may mga dinadagdag dw na maling balita

- Aniya, pinagbawalan lang siya ng abogado niya na magsalita kaya wala siyang magawa kahit gusto na niyang aniya'y isiwalat ang katotohanan sa pangyayari

- Nilinaw niyang ayaw niyang maghiwalay ang mag-asawa dahil mahal niya ang kanyang mga apo

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Inalmahan ni Annabelle Rama ang aniya'y mga fake news na lumalabas sa social media. Sa kanyang post ay nilinaw niyang ayaw niyang maghiwalay ang mag-asawa dahil mahal niya ang kanyang mga apo.

Annabelle Rama, umalma sa mga fake news: "Gigil na gigil na akong isiwalat ang katotohanan"
Annabelle Rama, umalma sa mga fake news: "Gigil na gigil na akong isiwalat ang katotohanan"
Source: Instagram

Sa kanyang post, binanggit niyang fake news ang mga lumalabas sa social media.

Tigilan nyo na ang gumawa ng maling kwento. Lahat ng lumabas sa sosyal media is all fake news. Wag nyo ng dagdagan ang mga maling balita malalaman nyo rin ang katotohanan in due time.

Read also

Annabelle Rama sa plano ng pamilya sa pasko: "Sama-sama buong pamilya ko, minus one lang"

Dagdag pa niya, baka ikagulat ng mga tao pag malaman nila kung sino daw ang kontrabida.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Baka ma shock kayo at hindi na ako ang lalabas na kontrabida. Malalaman niyo kung sino ang walang hiya na kontrabida . Mali ang bentang nyo sa akin .Sino ba ang may gustong mag hiwalay sila. Ako ba? Or ang mag ina.

Aniya, nagsimula ang malaking gulo nang biglang dumating ang nanay at tatay galing ibang bansa.

Wag nyong idiin sa akin ang nangyayari ngayon. Ako ang walang alam sa nangyari ang bilis. Nagulat nalang ako biglang dumating ang nanay at tatay galing ibang bansa. Doon na nag umpisa ang malaking gulo. Wag nyo ibagsak sa akin ang sisi.

Aniya, pinagbawalan lang siya ng abogado niya na magsalita kaya wala siyang magawa kahit gusto na niyang aniya'y isiwalat ang katotohanan sa pangyayari

Read also

PK sa mga nagsabing dinoktor nila ang Cenomar: "Kayo po ang kailangan magpa-doktor"

Kung hindi ako pinag bawalan ng lawyer na magsalita . Mag enjoy sana ang buong mundo sa sasabihin kung kwento. Gigil na gigil na akong isiwalat ang katotohanan sa pangyayari pero wala akong magawa. Abangan ang susunod na kabanata.

Si Annabelle Rosales Rama-Gutierrez o mas kilala bilang si Annabelle Rama ay isang Pinay actress at talent manager. Siya ay nagmula sa Cebu at ang maybahay ng 1960s Philippine cinema matinee idol na si Eddie Gutierrez. Bumida siya sa pelikulang My Monster Mom kasama ang anak na si Ruffa Gutierrez.

Kamakailan ay binahagi ni Ruffa ang isang nakakaantig na video ng kanyang anak at ng dating asawa. Ibinahagi ni Ruffa ang tungkol sa nakatakda nilang pagkikita sa Istanbul, Turkey. Marami ang natuwa para sa kanila dahil matapos ang mahabang panahon ay muling magkikita ang mag-aama.

Samantala, naiyak si Annabelle habang nakikinig sa kwento ng isa sa mga kalahok sa segment kung saan isa siya sa mga hurado sa It's Showtime. Ang naturang kalahok ay binati ang kanyang ina ng Happy Father's Day dahil mag-isa nitong tinaguyod ang pagpapalaki sa kanya bilang isang single mom. Ayon kay Annabelle, naalala niya ang kanyang mga apo na nasa Istanbul, Turkey sa kasalukuyan kasama ang kanilang ama. Sa loob ng 15 taon ay si Ruffa lang din ang nagtaguyod sa kanyang mga anak matapos nilang maghiwalay ng dating asawa nitong si Yilmaz Bektas.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel