Annabelle Rama sa plano ng pamilya sa pasko: "Sama-sama buong pamilya ko, minus one lang"

Annabelle Rama sa plano ng pamilya sa pasko: "Sama-sama buong pamilya ko, minus one lang"

- Naibahagi ni Annabelle Rama ang plano ng kanilang pamilya ngayong pasko at bagong taon

- Sa panayam ni MJ Felipe, naibahagi ni Annabelle na magbabakasyon silang pamilya sa Japan

- Aniya, sama-sama ang kanyang buong pamilya ngunit may karugtong itong 'minus one lang'

- Hindi pa raw siya pwedeng magsalita para kumpirmahin o pabulaanan ang balitang hiwalay na sina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Binahagi ni Annabelle Rama ang plano nilang pamilya ngayong pasko at bagong taon. Sa panayam ni MJ Felipe, sinabi niyang sama-sama daw silang pamilya na pupunta sa Japan mula pasko hanggang bagong taon.

Annabelle Rama sa plano ng pamilya sa pasko: "Sama-sama buong pamilya ko, minus one lang"
Annabelle Rama sa plano ng pamilya sa pasko: "Sama-sama buong pamilya ko, minus one lang"
Source: Instagram

Nabanggit niya din na 'minus one lang' sa pamilya niyang magbabakasyon sa Japan.

Naitanong din sa kanya kung totoo bang may gusot sa pagitan nila ni Sarah. Sinagot naman ito ni Annabelle. Aniya hindi naman niya siya nakakausap at wala daw siyang oras.

Read also

Sarah Lahbati, ibinahagi ang kanyang bagong sasakyan

Nang tanungin naman kung kumpirmado bang hiwalay na ang mag-asawa, hindi pa raw siya pwedeng magsalita tungkol dito at aniya ay malalaman din ng tao ang tungkol dito.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Annabelle Rosales Rama-Gutierrez o mas kilala bilang si Annabelle Rama ay isang Pinay actress at talent manager. Siya ay nagmula sa Cebu at ang maybahay ng 1960s Philippine cinema matinee idol na si Eddie Gutierrez. Bumida siya sa pelikulang My Monster Mom kasama ang anak na si Ruffa Gutierrez.

Kamakailan ay binahagi ni Ruffa ang isang nakakaantig na video ng kanyang anak at ng dating asawa. Ibinahagi ni Ruffa ang tungkol sa nakatakda nilang pagkikita sa Istanbul, Turkey. Marami ang natuwa para sa kanila dahil matapos ang mahabang panahon ay muling magkikita ang mag-aama.

Read also

Annabelle Rama: "Si Richard trabaho nang trabaho, ‘yung isa nagwawaldas ng pera"

Samantala, naiyak si Annabelle habang nakikinig sa kwento ng isa sa mga kalahok sa segment kung saan isa siya sa mga hurado sa It's Showtime. Ang naturang kalahok ay binati ang kanyang ina ng Happy Father's Day dahil mag-isa nitong tinaguyod ang pagpapalaki sa kanya bilang isang single mom. Ayon kay Annabelle, naalala niya ang kanyang mga apo na nasa Istanbul, Turkey sa kasalukuyan kasama ang kanilang ama. Sa loob ng 15 taon ay si Ruffa lang din ang nagtaguyod sa kanyang mga anak matapos nilang maghiwalay ng dating asawa nitong si Yilmaz Bektas.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel