Paolo Contis: "Mahaba pa po ang laban. Ibig sabihin legally, wala pang final"
- Naglabas si Paolo Contis ng pahayag habang nasa 'Eat Bulaga' ng GMA-7
- Aniya, mahaba pa ang laban at wala pang final pagdating sa usaping legal dahil alinsunod sa batas ay maari pa silang umapela
- Ito ay matapos katigan ng IPO ang TVJ kaugnay sa usaping trademark sa titulong Eat Bulaga at EB
- Pangako daw nila na anuman ang mangyari ay itutuloy daw nila ang nasimulang tulong at saya
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Naglabas ng pahayag si Paolo Contis kasunod ng pagkakakansela ng trademark ng TAPE, Inc sa titulong Eat Bulaga o EB. Ani Paolo, mahaba pa ang laban at wala pang final sa usaping legal.
Mahaba pa po ang laban. Ibig sabihin legally, wala pang final. Pero ito lang po ang pangako namin. Anuman ang mangyari ang sinimulan po namin na tulong at saya ay itutuloy namin araw-araw dahil yun naman po ang dahilan kung bakit kami pumapasok araw-araw.
Ngayong araw din ay nagkaroon ng presscon ang TVJ kasunod ng nilabas na desisyon ng IPOPH.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Ang Eat Bulaga ay isang noontime show sa Pilipinas na napapanood sa GMA network. Ito ay blocktimer sa naturang network at ang TAPE Inc. ang producer nito at tinaguriang pinakamatagal na variety show sa bansa. Sina Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon, Chiqui Hollman at Richie D'Horsie ang mga pinakanaunang hosts dito nang una itong ipalabas noong July 30, 1979.
Kabilang si Madam Kilay sa mga nagbigay-pugay sa Eat Bulaga matapos ang pagpapaalam ng TVJ ngayong araw sa TAPE,Inc. Ayon sa kanya, mula noong bata siya ay Eat Bulaga na talaga ang paborito niyang noontime show. Aniya, malaking karangalan para sa kanya na maging bahagi ng naturang show kahit ilang buwan lamang. Matatandaang napasama noon si Madam Kilay sa segment ng Eat Bulaga na Juan For all All for One.
Ayon kay dating Senador Tito Sotto, maging sila ay nabigla din sa nangyari kaya humantong sa kanilang desisyon na kumalas. Kaya daw sila pumasok na lahat ng host ay para magtrabaho at wala naman silang plano na kung ano. Nang bigla umano silang hindi payagang mag-live, naisip nilang ito na ang "bendisyon" ng Panginoon na magdesisyon sila. Kaya naman kahit nangangapa sa kanilang sasabihin ay naipahatid naman nila ang kanilang nais iparating.
Source: KAMI.com.gh