Jennica Garcia, napasigaw sa prank sa kanya ni Robi Domingo

Jennica Garcia, napasigaw sa prank sa kanya ni Robi Domingo

- Napatili si Jennica Garcia nang ma-prank siya ni Robi Domingo nang mag-guest siya sa Watchawin

- Nagkunwari siyang may ipapabati ngunit hindi alam ni Jennica na may lalabas na babae sa video na ikinagulat niya

- Agad itong lumayo kay Robi ay sinabing hindi na siya uulit na mag guest sa Watchawin

- Nagtawanan naman ang mga taong naroroon at nakakita ng reaksiyon ni Jennica

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Todo-tili si Jennica Garcia sa prank sa kanya ni Robi Domingo nang mag-guest siya sa Watchawin. Hiniling ni Robi na magpapabati lang daw siya. Lingid sa kaalaman ni Jennica ay may lumalabas na babae sa video dahil sa ginamit na filter ni Robi.

Jennica Garcia, napasigaw sa prank sa kanya ni Robi Domingo
Jennica Garcia, napasigaw sa prank sa kanya ni Robi Domingo
Source: Instagram

Ani Jennica ay hindi na raw siya mag-ge-guest sa Watchawin ulit. Tawang-tawa naman si Robi sa reaksiyon na ito ni Jennica.

Read also

Vice Ganda sa Kathniel breakup: "God bless the broken hearts"

Ayoko na, hindi na ako uulit mag-guest dito sa Watchawin!

Matatandaang nang magkasama sila na mag-host sa It's YouR Lucky Day ay si Jennica din ang palagi nilang napagkakatuwaan na biruin.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Jennica Garcia ay anak ng aktres na si Jean Garcia. Nang ikasal siya sa aktor na si Alwyn Uytingco, nagpasya si Jennica na iwan muna pansamantala ang showbiz upang matutukan ang kanilang pamilya.

Sa isang Instagram post ay binahagi ni Jennica ang natanggap na mensahe mula sa kanyang amang si Jigo Garcia. Tinatanong nito ang tungkol sa picture na binahagi ni Jennica at kung bakit ganoon daw ang kanyang suot. Kapansin-pansin din na dalawang beses iyong pinadala at mayroong mga naka-caps lock sa natanggap niyang message. Kaya naman, minabuti umano ni Jennica na burahin na lamang ang kanyang picture kahit hindi pa naman siya sinabihang burahin.

Read also

Michelle Dee, pinabulaanang siya ang papalit na national director ng MUP

Kasunod ng pag-viral ng kanyang post kung saan ibinahagi niya ang message ng kanyang Papa Jigo, marami sa mga netizens ang nag-udyok kay Jennica na ipakita ang mukha ng kanyang ama. Kaya naman, nagbahagi si Jennica ng "Papa reveal" na post sa kanyang social media account. Ibinahagi niya ang aniya'y isa sa pinakapaborito niyang picture ng kanyang Papa Jigo. Wala itong damit pang-itaas at nakakubli sa isang malaking bato kung saan makikita ang under the sea background.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel