Freddie Aguilar, sa muling pagtanggap kay Maegan: "I felt like, it is the right time"

Freddie Aguilar, sa muling pagtanggap kay Maegan: "I felt like, it is the right time"

- Nagkaroon ng pagkakataon si Julius Babao na makapanayam ang Filipino folk musician na si Freddie Aguilar

- Ito ay kaugnay sa muling pagtanggap ni Freddie Aguilar kay Maegan na pansamantala niyang hindi pinahihintulutang makabisita sa kanilang tahanan

- Kaya naman walang pagsidlan ng kasiyahan si Maegan sa pagkakataong ito na binigay sa kanya ng kanyang ama

- Matatatandaang si Ka Freddie ang nag-aruga sa mga anak ni Maegan sa pagkakataong mayroon itong matinding pinagdaraanan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

"I felt like, it is the right time," ani Freddie Aguilar nang makapanayam siya ni Julius Babao kaugnay sa muli nitong pagtanggap sa anak na si Maegan Aguilar kamakailan.

Freddie Aguilar, sa muling pagtanggap kay Maegan: "I felt like, it is the right time"
Freddie Aguilar with family (Freddie Aguilar)
Source: Facebook

Tinawagan nina Maegan at Julius si Ka Freddie at doon nailahad nito ang kwento sa likod ng reunion nila ng anak.

Read also

Maegan Aguilar, idinetalye paano nakasama ang mga anak at amang si Freddie Aguilar

"Sa tingin ko naman sa pinagdaanan niya na kung ano ano, sa palagay ko this time e okay na si Maegan"

Aniya, sa panahon ding hindi sila nagkakausap nang madalas, hindi parin nawala umano ang pagmamahal nito kay Maegan.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Kahit naman 'nung hindi kami nag-uusap, yung pagmamahal ko sa kanya hindi naman nagbabago. Tatay is always a tatay," giit ni Ka Freddie.

"Gaya ng lagi kong sinasabi Julius, lahat ng anak ko, mahal ko... Kaya lang minsan, we need to discipline them," paliwanag pa niya.

Narito kabuuan ng naging pahayag ni Ka Freddie Aguilar mula sa YouTube ni Julius Babao:

Si Maegan Aguilar ay isang kilalang singer sa Pilipinas. Marso ng kasalukuyang taon, nagawa nitong dumulog sa programa ni Raffy Tulfo gayung wala na raw umano siyang mahingan pa noon ng tulong. Bagama't nabigyan siya ng ilang hinihingi nitong financial assistance at ilan nitong pangangailangan, hindi naitodo ni Senator Tulfo ang tulong niya noon kay Maegan nang magpositibo ito sa test na nagsasabing nakagamit ito ng ipinagbabawal na gamot.

Read also

Darren Espanto, kinantahan si Kim Chiu ng 'Anong Nangyari Sa Ating Dalawa'

Sinubukan din noon ng naturang programa na makapanayam ang kilalang folk singer at isa sa haligi ng OPM sa bansa na si Freddie Aguilar upang malaman ang magiging pahayag nito tungkol sa kanyang anak subalit hindi na nila ito nakausap habang nasa ere ang programa.

Gayunpaman sa panayam ni Aster Amoyo kay Ka Freddie, nabanggit nitong bagama't nagkakausap na sila ni Maegan, hindi pa rin ito maaring magtungo sa kanyang tahanan. Makalipas ang ilang buwan, masaya si Maegan na nabigyan siya muli ng pagkakataon ng kanyang ama na makasama sila na kanyang pamilya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel