Maegan Aguilar, idinetalye paano nakasama ang mga anak at amang si Freddie Aguilar

Maegan Aguilar, idinetalye paano nakasama ang mga anak at amang si Freddie Aguilar

- Nakapanayam ni Julius Babao si Maegan Aguilar kamakailan

- Sa naturang interview, nailahad ni Maegan paano naganap ang muling pagsasama nila ng kanyang mga anak at ng kanyang ama

- Matatandaang nagkaroon umano ng pagkakataong hindi pinahintulutan ni Freddie Aguilar ang anak na si Maegan na makadalaw sa kanila

- Ibinahagi rin ni Maegan paano siya tinulungan ni Kuh Ledesma upang maayos muli ang kanyang pamumuhay

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Walang pagsidlan ng kasiyahan si Maegan Aguilar nang muli niyang makasama ang mga anak at maging ang kanyang ama na si Freddie Aguilar kamakailan.

Maegan Aguilar, idinetalye paano nakasama ang mga anak at amang si Freddie Aguilar
Maegan Aguilar, Ka Freddie Aguilar at pamilya (Maegan Aguilar)
Source: Facebook

Sa panayam sa kanya ni Julius Babao, naidetalye ni Maegan kung paano nga ba siya napahintulutan muli ng amang si Freddie na makapiling ang mga mahal niya sa buhay.

Matatandaang minsan nang pinagbawalan pansamantala ng 'Anak' hitmaker ang sariling anak na si Maegan na bisitahin sila dala ng mga nagaganap sa buhay nito noon.

Read also

Cristy, may hamon umano kay Karla Estrada: "Tatlo tayong maghaharap-harap"

"My daughter na nakatira sa kanya. Since naka-block ako, syempre naka-block ako kay tatay 'di ba? Dinaan ko sa anak ko. Anak, tanong mo naman kay lolo, kung pwede kaming pumunta diyan."

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Mommy pwede daw pero overnight lang daw..." ang naging sagot ng anak ni Maegan na nakatira kay Ka Freddie.

'Di alintana kina Maegan ang biyahe mula Paranaque patungong Fairview, makasama lang ang ama at mga anak na matagal na niya umanong pinakahihintay na mangyare.

"Ang saya- saya namin na 'wow magkakasama kami ulet."

Nagawa pa niyang biruin ang ama na matagal na panahon din niyang hindi nagagawa.

"'Tay ang daya mo. Ang bata-bata ng itsura mo, ako mukhang lola"

Narito ang kabuuan ng panayam ni Julius Babao kay Maegan Aguilar:

Si Maegan Aguilar ay isang kilalang singer sa Pilipinas. Marso ng kasalukuyang taon, nagawa nitong dumulog sa programa ni Raffy Tulfo gayung wala na raw umano siyang mahingan pa noon ng tulong. Bagama't nabigyan siya ng ilang hinihingi nitong financial assistance at ilan nitong pangangailangan, hindi naitodo ni Senator Tulfo ang tulong niya noon kay Maegan nang magpositibo ito sa test na nagsasabing nakagamit ito ng ipinagbabawal na gamot.

Read also

Leren Mae, ipinaliwanag ang viral Christmas tree post: "We're just making fun of us na lang"

Sinubukan din noon ng naturang programa na makapanayam ang kilalang folk singer at isa sa haligi ng OPM sa bansa na si Freddie Aguilar upang malaman ang magiging pahayag nito tungkol sa kanyang anak subalit hindi na nila ito nakausap habang nasa ere ang programa.

Gayunpaman sa panayam ni Aster Amoyo kay Ka Freddie, nabanggit nitong bagama't nagkakausap na sila ni Maegan, hindi pa rin ito maaring magtungo sa kanyang tahanan. Makalipas ang ilang buwan, masaya si Maegan na nabigyan siya muli ng pagkakataon ng kanyang ama na makasama sila na kanyang pamilya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel