Darren Espanto, kinantahan si Kim Chiu ng 'Anong Nangyari Sa Ating Dalawa'

Darren Espanto, kinantahan si Kim Chiu ng 'Anong Nangyari Sa Ating Dalawa'

- Hindi naitago ni Kim Chiu ang pagkagulat nang kantahan siya ni Darren Espanto ng awiting 'Anong Nangyari Sa Ating Dalawa'

- Kasunod nito ay naging maingay ang reaksiyon ng studio audience kaya nagpaliwanag si Darren na ito daw ang kanta sa serye niyang 'Linlang'

- Napatanong tuloy ang mga co-hosts ni Kim kung may alam daw ba si Darren

- Ilang araw nang naiintrigang naghiwalay na sina Kim at boyfriend na si Xian Lim

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naging usap-usapan ang pagkanta ni Darren Espanto ng 'Anong Nangyari Sa Ating Dalawa' kay Kim Chiu habang nasa "MeChoose MeChoose" segment ng It's Showtime. Kasunod nito ay naging maingay ang reaksiyon ng studio audience.

Darren Espanto, kinantahan si Kim Chiu ng 'Anong Nangyari Sa Ating Dalawa'
Darren Espanto, kinantahan si Kim Chiu ng 'Anong Nangyari Sa Ating Dalawa'
Source: Instagram

Tinanong ni Amy Perez kay Darren kung may kanta daw ba ito kay Kim ano ang kanyang kakantahin. Dito ay agad na kinanta ni Darren ang naturang awitin.

Read also

Vice Ganda kay Aga Muhlach: "Si Atasha nasa Eat Bulaga, i-Showtime na natin to si Andres"

Tila nabigla naman si Kim at pabirong sinakal si Darren. Nagpaliwanag si Darren na ito daw ang kanta sa serye niyang Linlang. Paglilinaw naman ni Tyang Amy, tungkol daw ito sa pag-absent ni Kim kaya nagtatanong kung anong nangyari.

Agad namang iniwas ni Kim ang usapan at ibinalik sa kalahok.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Kim Chiu ay unang nakilala sa mundo ng showbiz matapos siyang tanghalin bilang big winner sa kauna-unahang Pinoy Big Brother: Teen Edition. Bukod sa kanyang husay sa pag-arte, nagkaroon din siya ng maraming proyekto dahil sa husay niya sa hosting at pagsayaw. Nagkaroon din siya ng mga kanta kagaya ng MR. Right at Peng You.

Tuwang-tuwa si Kim nang makatanggap ng mamahaling sapatos mula sa Diamond Star na si Maricel Soriano. Sa kanyang IG stories ay makikita ang pag-abot sa kanya ni Maricel ng Christian Louboutin na sapatos. Kilig na kilig si Kim habang sinusukat ang sapatos mula sa Diamond star. Todo-pasalamat si Kim at pinangakong aalagaan niya nang buong puso ang pamana ng kanyang inay Maria.

Samantala, kamakailan ay kinaaliwan sina Kim at Vic Sotto sa vlog ni Kim kung saan game na sinagot ni Bossing ang mga tanong ni Kim. Marami ang natuwa sa mga hirit at palitan ng joke ng dalawa na sa unang pagkakataon ay nagkasama. Matapos ang kanilang game ay nag-book si Bossing ng mga delivery riders para mabigyan ng biyaya. Dahil sa nakakaaliw na video nila ay maraming mga netizens ang gustong magkatrabaho ang dalawa sa pelikula.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel