Vice Ganda kay Aga Muhlach: "Si Atasha nasa Eat Bulaga, i-Showtime na natin to si Andres"

Vice Ganda kay Aga Muhlach: "Si Atasha nasa Eat Bulaga, i-Showtime na natin to si Andres"

- Naging guest ni Vice Ganda si Aga Muhlach sa kanyang pinakabagong vlog kung saan napag-usapan nila ang tungkol sa mga anak ni Aga

- Naitanong ni Vice Ganda kung ayaw daw ba mag-artista ng isang anak niyang si Andres at sinabi naman ni Aga na gusto daw nito

- Hirit pa ni Vice, nasa "Eat Bulaga" si Atasha dapat daw si Andres sa "It's Showtime" na at natawa naman si Aga

- Biro pa ni Vice, para daw may kasama naman si Ion na pogi dahil ang mga kasama daw nila ay matatanda na

Kinaaliwan ang hirit ni Vice Ganda kay Aga Muhlach patungkol sa anak nitong si Andres Muhlach. Ani Vice, dapat ay sa It's Showtime na si Andres dahil sa Eat Bulaga si Atasha.

Vice Ganda kay Aga Muhlach: Si Atasha nasa Eat Bulaga, i-Showtime na natin to si Andres
Vice Ganda kay Aga Muhlach: Si Atasha nasa Eat Bulaga, i-Showtime na natin to si Andres
Source: Youtube

Tila bukas naman si Aga sa posibilidad na ito kaya sinabi niyang kunin daw nila si Andres.

Read also

Aga Muhlach, apat na Barretto ang naging leading lady sa pelikula

Biro pa ni Vice, para daw may makasama naman si Ion na pogi dahil ang mga kasama daw nila sa It's Showtime ay matatanda na. Inisa-isa pa niyang binanggit ang mga kasamahan.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Vice Ganda ay isa sa pinakasikat na komedyante at TV host sa kasalukuyan. Nakilala siya sa kanyang husay sa pagpapatawa at mga pelikulang kadalasan ay tumatabo sa takilya. Kabilang din siya sa noontime show na It's Showtime na 13 taon nang napapanood sa ABS-CBN. Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics.

Kinaaliwan si Kim Chiu matapos ibuking ni Vice Ganda na konting kibot daw naiiyak si Kim Chiu. Sa kanilang pag-uusap sa episode ng It's Showtime, pinuna ni Vice ang naging reaksiyon ni Kim sa kanyang pagkukuwento. Hirit naman ni Vhong Navarro, nagiging baka daw si Kim. Tawang-tawa naman si Kim sa mga hirit na ito ng kanyang mga co-hosts.

Kinaaliwan din ang biruan nina Vice Ganda at Jhong Hilario sa Isip Bata segment ng It's Showtime. Pabirong sinabi ni Vice Ganda sa madlang people na i-mass report si Jhong. Tawang-tawa naman silang mga host sabay sabi ni Jhong na na-block na nga daw siya ng Facebook. Matatandaang naging biruan nila ito simula nang matanggal ang Facebook page ni Rendon Labador dahil daw sa pag-mass report.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel