Paolo Contis, sa umano'y kumalat na sweet photos nila ni Arra: "it was maliciously edited"

Paolo Contis, sa umano'y kumalat na sweet photos nila ni Arra: "it was maliciously edited"

- Nilinaw ni Paolo Contis ang tungkol sa kumalat na mga larawan nila ni Arra San Agustin

- Magkasama umano ang dalawa bilang co-host sa 'Eat Bulaga'

- Nilinaw ni Paolo na walang namamagitan sa kanila ni Arra at sila pa rin umano ni Yen Santos

- Aniya, edited lamang ang mga larawan mula sa video ng isa sa mga portion ng programang 'Eat Bulaga'

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nabigyang pagkakataon si Paolo Contis na magsalita sa mga kumalat na larawan umano nila ng co-host sa Eat Bulaga na si Arra San Agustin.

Paolo Contis, sa umano'y kumalat na sweet photos nila ni Arra San Agustin: "It’s an edited video"
Paolo Contis and Yen Santos (@paolo_contis)
Source: Instagram

Sa Fast Talk with Boy Abunda, partikular sa segment na Talk or dare, natanong si Paolo ng host kung sila pa nga ba ni Yen Santos.

“Talk! Yes, kami pa ni Yen,” ang unang bagay na kinumpirma ni Paolo

Read also

Cristy, sinabing may alam si Ricci sa isyu ng umano'y pagkikita nina Daniel at Andrea

"Alam mo yung kumakalat samin ni Arra, it’s an edited video of a portion in Eat Bulaga and it was maliciously edited. It’s a love… skit triangle ni Arra, ako, at saka si Candy, played by Betong, and they just keep on posting the Arra side of it,” paliwanag pa niya.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa Fast Talk with Boy Abunda, GMA Network:

Si Paolo Contis ay isang aktor at TV host sa Pilipinas. Nagsimula siya bilang isang child star at hanggang ngayon at aktibo pa rin sa showbiz. Katunayan, isa si Paolo sa napiling maging host ng Eat Bulaga matapos na umano'y lisanin nina Tito, Vic at Joey ang TAPE Inc. noong Mayo 31.

Naging kontrobersyal ang pahayag kamakailan ni Paolo kung saan nasabi niyang nasasaktan umano sila tuwing masasabihan ng Fake Bulaga matapos na pumalit sa Tito, Vic and Joey bilang host ng programa.

Read also

Rhian Ramos, umalma sa aniya'y uncomfortable video ni MMD kasama si Anne Jakrajutatip

Samantala, matatandaang naging usap-usapan din noon si Paolo dahil sa hiwalayan nila ni LJ Reyes at labis ding gumawa ng ingay ang isyu sa pagiging ama ni Paolo na aminadong hindi nakapagbibigay umano ng sustento sa mga anak. Kabi-kabilang pambabatikos ang natamo ng aktor dahil dito at hanggang ngayon ay tila hindi pa rin humuhupa ang kontrobersiyang ito tungkol sa kanya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel