Cristy, sinabing may alam si Ricci sa isyu ng umano'y pagkikita nina Daniel at Andrea

Cristy, sinabing may alam si Ricci sa isyu ng umano'y pagkikita nina Daniel at Andrea

- Nabanggit ni Cristy Fermin na may alam umano si Ricci Rivero sa kontrobersyal na isyu nina Daniel Padilla at Andrea Brillantes

- Tila may kaugnayan umano ito sa naging hamon ni Ricci sa kaibigan ni Andrea tungkol sa umano'y paglalantad ng may kaugnayan sa kanilang hiwalayan

- Kamakailan, kinumpirma na ni Ricci ang pagkakaroon niya ng bagong karelasyon na si Leren Mae Bautista

- Kamakailan ay kumalat ang video nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na hindi na umano madalas makitang magkasama

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isa sa natalakay nina Cristy Fermin, Romel Chika at Wendell Alvarez sa Showbiz Now Na! ay ang hindi pa rin umanong humuhupang isyu nina Kathryn Bernardo, Daniel Padilla at Andrea Brillantes.

Cristy, sinabing may alam si Ricci sa isyu ng umano'y pagkikita nina Daniel at Andrea
Ricci Rivero (@ricciiirivero)
Source: Instagram

Ayon pa umano kay Cristy, tila may nalalaman din ang ex-boyfriend ni Andrea na si Ricci Rivero tungkol sa kontrobersiyang ito.

Read also

Maxene Magalona, nag-repost ng 'forgive your parents' quote

"Naalala mo Romel 'yung kwento at saka Wendel na hinamon ni Ricci Rivero ang isang kaibigan ni Blythe na maglantaran sila ngayon?"
"Naglalabanan kung sino ang sino. Parang ang labanan ba noon e kung sino ang nauna."

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Reading between the lines. Para bang ang sabi ng basketbolista e, ano? magkakasama kayo, hindi niyo alam? Sino ba ang nauna sa aming dalawa?
"At eto na nga. Alam na alam daw ng kampo nitong si Ricci Rivero 'yung lihim na pagkikita ni Daniel saka ni Blythe."

Narito ang kabuuan ng pahagyag ni Cristy Fermin mula sa YouTube channel niya na Showbiz Now Na!

Si Ricci Rivero ay isang kilalang basketball player sa bansa. Siya ang ex-boyfriend ng aktres na si Andrea Brillantes. Katunayan, gumulantang sa publiko ang kanilang hiwalayan gayung agaw-eksena rin ang pagtatanong ni Ricci kay Andrea kung pwede niya ba itong maging girlfriend.

Read also

Jennica sa hiwalayan nila noon ni Alwyn: "Parang ako na po 'yung problema after nung one year"

Kamakailan, kinumpirama ni Ricci ang pagkakaroon umano nila ng relasyon ng beauty queen, politician na si Leren Mae Bautista. Minsan na ring nilinaw ni Ricci na hindi kailanman naging third party si Leren lalo na sa naging dati niyang nakarelasyon.

Samantala, tila ine-enjoy naman ngayon ni Andrea Brillantes ang pagiging single at kamakailan nga ay napuri siya ni Dra. Vicki Belo sa pagiging 'good girl' na umano ni Andrea. Aniya, nakamamangha umano ang independence nito subalit naiiba kapag ito raw ay nai-in love.

Sa naturang vlog di ni Dr. Belo, inamin ni Andrea na minsa'y na-insecure siya dahil tila ba hindi siya sapat sa taong inaakala niyang nakalaan para sa kanya. Gayunpaman, agad naman niyang na-realize na mas marami umano siyang bagay na dapat na ipagpasalamat.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel