Jennica sa hiwalayan nila noon ni Alwyn: "Parang ako na po 'yung problema after nung one year"

Jennica sa hiwalayan nila noon ni Alwyn: "Parang ako na po 'yung problema after nung one year"

- Nakapagdetalye si Jennica Garcia tungkol umano sa naging hiwalayan nila noon ni Alwyn Uytingco

- Naikwento niya ang muli nilang pagsasama noon sa loob ng isang taon

- Subalit aminado siyang siya na mismo ang umayaw na ipagpatuloy pa ang relasyon

- Sa ngayon, kabi-kabila ang proyekto ni Jennica sa ABS-CBN habang ang kanyang ina nama'y abala sa mga proeykto naman nito sa GMA

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sa panayam sa kanila ni Karen Davila, naikwento ni Jennica Garcia ang naging hiwalayan nila noon ni Alwyn Uytingco.

Jennica sa hiwalayan nila noon ni Alwyn: "Parang ako na po 'yung problema after nung one year"
Alwyn Uytingco (@alwynzky)
Source: Facebook

Natanong kasi ito ni Karen kung may pag-asa pa bang magkabalikan sila ni Alwyn.

"Not anymore Miss Karen. Nalaman ko na hindi na ako mag-eeffort to make it work because when we separated, I already gave my all for another year to try. And gusto ko rin naman pong ibigay kay Alwyn na nung bumalik naman siya, okay naman. Kumbaga nakita ko rin naman yung willingness niya."

Read also

Claudine Barretto, naniniwalang bad influence ang kasalukuyang karelasyon ni Raymart Santiago

Inamin din ni Jennica na noong nagkaroon ng pagkakataong nagsama na ulit sila, siya na mismo umano ang umayaw.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Sa totoo po parang ako na po 'yung problema after nung one year. Parang we don't fight, kasi nga po ayaw ko po ng conflict 'di ba? Pero hindi ko po napansin na sa one year pala na 'yun, parang nagmo-move on na pala ako nang hindi ko alam. Kaya feeling ko po nung sinabi ko rin sa kanya na pasensya ka na, ayaw ko na. Feeling ko nagulat din siya. Kasi parang sa kanya, walang pinanggalingan na mismong root kasi okay naman kami. Ang problema, kapag tinuloy ko pa, 'di ko makikitang enough yung sarili ko," pagpapatuloy pa niya.

Narito ang kabuuan ng pahayag ni Jennica mula sa Karen Davila YouTube channel:

Read also

Arci Muñoz, ibinahagi paano siya nanakawan ng credit card sa isang business class trip

Si Jennica Garcia ay anak ng aktres na si Jean Garcia. Nang ikasal siya sa aktor na si Alwyn Uytingco, nagpasya si Jennica na iwan muna pansamantala ang showbiz upang matutukan ang kanilang pamilya. Ayon kay Jennica, dalawang taon na umano siyang single mother ng kanyang dalawang anak.

Malaking bagay ang pagkakaroon umano niya ng mga proyekto dahilan para makabili muli siya ng aircon nilang mag-iina na ilang buwan din umano nilang kinaya na wala. Paliwanag ni Jennica, nasira ang dating aircon na hindi angkop sa tinitirahan nila.

Samantala, naging usap-usapan si Jennica kamakailan dahil umano sa kakaibang closeness nila ng Dirty Linen co-star na si Christian Bables. Ani Jennica, tropa lang sila ni Christian at alam niya umanong hindi siya magugustuhan nito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel