Arci Muñoz, ibinahagi paano siya nanakawan ng credit card sa isang business class trip

Arci Muñoz, ibinahagi paano siya nanakawan ng credit card sa isang business class trip

- Ibinahagi ni Arci Muñoz ang kanyang horror story sa pinakahuling trip niya kamakailan

- Hindi niya inaasahang sa business class pa ito mangyayari kung saan mas kampante sana ang mga pasahero

- Mabuti na lamang ang isang kapwa niya pasahero ang lakas loob na nagkompronta sa lalaking 'di umano'y nakapagnakaw na ng credit card sa kanya

- Laking pasalamat din niya na mabilis na nagkumpirma ang bangko sa pamamagitan ng notification ang umano'y paggamit ng credit card ng naturang magnanakaw

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

"Horror story" kung ilarawan ni Arci Muñoz ang nangyari sa kanya sa pinakahuling trip niya noong Nobyembre 10.

Arci Muñoz, ibinahagi paano siya nanakawan ng credit card sa isang business class trip
Arci Muñoz (@ramonathornes)
Source: Facebook

Sa kanyang TikTok video, idinetalye ni Arci ang mga kaganapan para maalarma ang publiko sa mga ganoong uri ng kaganapan.

"I was resting in my cubicle and then of course, when it's time to land, nagising ako, naalimpungatan ako, may lalaking nakatayo sa cubicle ko," panimula ni Arci.

Read also

Diana Zubiri, naluha nang mapag-usapan ang ama lalo na ang kanyang sariling pamilya

"Nakaayos at maporma" pa raw ang lalaking ito kaya't hindi umano mapaghihinalaang gagawa ng hindi maganda.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Tila kinukuha ng lalake ang magazine na nasa cubicle ni Arci gayung nasa business class sila ng eroplano.

"Ako naman, inisip ko lang na baka wala siya 'nung magazine sa cubicle ko," ani Arci na wala rin umanong ideya na pagnanakawan na pala siya nito.

"Buti nalang this woman, she was sent by God, she asked me, 'do you know this guy?' and I was like, 'No.'" giit ni Arci "And then she stood up, and she confronted the man saying, 'Why did you touch her bag?'"

"Ako naman, sabi ko, 'Bakit nawawala bag ko?' And then I saw my bag on the floor near the aisle, e, sa window seat ako nakaupo," pagpapatuloy pa niya.

Read also

Melai, dinipensahan si Jason: "Kailangan ko bang sabihin sa mga tao na ganun ang asawa ko?"

Dahil dito, patuloy na kinompronta ng kapwa niya pasahero ang lalaking nakita nitong humawak sa bag ni Arci.

"So I was thinking, 'Ano ito, modus nila talaga ako? Sumasakay sila ng business class, they fly?'"

Agad niya umanong nai-report sa Korean Air ang pangyayari kung saan manggagaling ang connecting flight nito pabalik ng Maynila.

Lumipas ang dalawang araw, saka lamang nakumpirma ni Arci ang pagnanakaw na nagawa sa kanya.

"May notification sa bank ko na someone was using my card sa Ho Chi Minh sa Vietnam and Jakarta," kaya naman laking pasalamat niya sa kanyang bangko na agad itong nagpadala ng notification ng kakaibang aktibidad sa kanya.

Narito ang kabuuan ng kanyang TikTok video:

Si Ramona Cecilia "Arci" Datuin Muñozay isang actress, model, singer at dancer. Bokalista siya ng rock band na Philia at kasalukuyang bahagi ng Philippine Air Force bilang Sergeant. Siya ay unang nakilala nang sumali siya sa third season ng reality talent show na StarStruck noong 2005. Naging bahagi siya ng ilang mga palabas sa ABS-CBN, GMA and TV5.

Read also

Melai, sa minsang pagpapalayas kay Jason: "Mga isang buwan siyang hindi umuuwi"

Kamakailan nga ay pinakita ni Arci Muñoz ang kanyang unang araw sa kanyang “pilot journey” sa pamamagitan ng binahagi niyang Instagram post. Makikita sa kanyang post na sumailalim siya sa isang simulation training at kinalaunan ay sumakay sa eroplano kasama ang kanyang instructor.

Marami ang lalong bumilib kay Arci sa kanyang ibinahaging Instagram post. Ito ay kuha noong sumailalim siya sa Philippine Airforce Basic Citizen Military Training. Matatandaang noong Independence Day ng nakaraang taon inimbita pa niya ang mga kapwa niya babae na magpalista na rin. Makikita sa kanyang post ang paglublob nito ng mukha niya sa maputik na tubig sa damuhan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel