Diana Zubiri, naluha nang mapag-usapan ang ama lalo na ang kanyang sariling pamilya

Diana Zubiri, naluha nang mapag-usapan ang ama lalo na ang kanyang sariling pamilya

- Naluha si Diana Zubiri sa panayam sa kanya ni Boy Abunda nang mapag-usapan nila ang kanyang pamilya

- Hiningan si Diana ng mensahe para sa yumaong ama na hindi naman niya gaanong nakilala

- Naisip din niyang hindi niya kayang gawin sa kanyang mga anak ang pag-iwang ginawa sa kanila ng kanyang ama

- Nasa bansa si Diana kasama ang pamilya at isa sa mga ginawa niya rito ay ang reunion ng orihinal na Sang'gre ng "Encantadia"

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Hindi napigilang maging emosyonal ni Diana Zubiri nang mapag-usapan nila sa Fast Talk with Boy Abunda ang tungkol sa ama lalo na ang kanyang sariling pamilya.

Diana Zubiri, naluha nang mapag-usapan ang ama lalo na ang kanyang sariling pamilya
Diana Zubiri (Diana Zubiri Facebook)
Source: Facebook

Natanong ni Boy Abunda si Diana kung ano ang mensahe nito sa ama na yumao na ngayong taon.

Read also

Herlene Budol matapos masangkot sa isyu: "Bakit ako nakaladkad?"

Doon, hindi na napigilang maging emosyonal ng aktres lalo na nang maisip din niya ang kanyang sariling mga anak.

"Ang naalala ko nalang noong nag-artista ako, bigla na lang siyang nagpakita ulet. Tapos nagkabalikan sila ng saglit, tapos nawala na lang ulet. Parang may pain kasi hindi ko siya nakilala. Hindi kami naging buo. Pero nagkaayos naman kami Tito Boy. Pero hindi rin lang kami nagkaroon ng relationship dahil malayo siya, I'm working"

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Kung hindi man kita na-meet or nakilala bilang isang tatay, that's okay. I'm okay with that. Hindi na para magtanim ako ng sama ng loob. Kasi I'm sure naman before ka nagkasakit, I'm sure napagsisihan mo na rin naman 'yun."
"Kasi ako tito Boy parang hindi ko maisip kapag maiisip ko pa lang na hindi ko makikita ang mga anak ko, parang hindi ko kaya na parang pag may nababalitaan ako or sa experience ko na iniwan ako ng daddy ko, parang kung gagawin ko yun sa mga anak ko, iisipin ko pa lang naiiyak na ako."

Read also

Sarah Lahbati, pinusuan ang komentong “Ipaglaban mo ang bandera nating mga waldasera"

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa Fast Talk with Boy Abunda GMA Network YouTube:

Si Diana Zubiri ay dating aktres sa Pilipinas na ang totoong pangalan ay Rosemarie Joy Garcia-Smith. Bukod sa mga pelikula, mas nakilala siya bilang si Danaya na isa sa mga Sanggre sa Encantadia.

Makalipas ang apat na taon, nakauwi na muli si Diana sa Pilipinas mula sa Australia kung saan sila naglalagi ng kanyang pamilya. Doon, kasama niya ang asawang si Andy Smith at kanilang tatlong anak.

Sa kanyang mga bagong vlog sa kanyang YouTube channel, naikwernto ni Diana ang ilang detalye tungkol sa pagbabalik nila sa Pilipinas. Ilan dito ay ang pagsurpresa nila sa kanilang pamilya at mga kaibigan na hindi talaga inaasahan ang kanilang pagbabalik. Matatandaang kamakailan lang ay naging panauhin si Diana ng It's Showtime kung saan nakasama din niya ang orihinal na mga Sangre' na sina Karylle, Sunshine Dizon at Iza Calzado.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel