Melai, sa minsang pagpapalayas kay Jason: "Mga isang buwan siyang hindi umuuwi"

Melai, sa minsang pagpapalayas kay Jason: "Mga isang buwan siyang hindi umuuwi"

- Naikwento ni Melai Cantiveros-Francisco ang minsang pagpapalayas niya umano sa mister na si Jason

- Umabot daw ito ng nasa isang buwan na hindi umuwi sa kanila at nanatili sa Mindoro

- Sa sobrang galit niya raw noon kay Jason, ibinilin niya sa guard na huwag itong papasukin

- Subalit ngayon, natuto na umano sila sa mga nakaraaan nilang argumento na ngayo'y di na malala

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naidetalye ni Melai Cantiveros- Francisco ang umano'y pagkakataon na nauwi sa pagpapalayas niya sa mister na si Jason Francisco ang kanila pagtatalo.

Melai, sa minsang pagpapalayas kay Jason: "Mga isang buwan siyang hindi umuuwi"
Melai Cantiveros and Jason Francisco (Melason Facebook)
Source: Facebook

Inamin niyang madalas sila umano noong maghamon ng pagpapalayas kay Jason.

"Pero may isang away talaga kami na pinatulan ko." Natatawa na noon si Melai ngunit alam niyang mas magagalit si Jason kung gawin niya ito. Kaya naman ang nasabi niya, "Lumayas ka dito!"

Read also

Melai Francisco, aminadong pinagseselosan umano si Ivana Alawi

"Ta's alam mo, mga isang buwan siyang hindi umuuwi. sa Mindoro lang siya. Syempre tinatanong ko rin. Saan kaya siya. Sa sobrang galit ko nung time na yun, sinabihan ko ang guard, 'wag na wag mong papasukin si Jason dito. Kahit anong mangyari basta wag mong papasukin si Jason."

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Hindi ko nabawi sa guard na wag mong papasukin... Itong guard namin, hindi pinapasok si Jason."

Narito ang kabuuan ng pahayag ni Melai mula sa Ogie Diaz inspires YouTube channel:

Si Melai Cantiveros ang naging big winner sa Pinoy Big Brother: Double Up noong 2009. Sa naturang reality show din nagmula ang kanya na ngayong mister na si Jason Francisco. Nag-umpisa ang lahat sa kulitan sa loob ng bahay ni Kuya hanggang sa sila na nga ang nagkatuluyan at nabiyayaan ng dalawang anak.

Read also

Mela at Stela, may makulit na reaksyon sa video nina Echo at Melai sa ABS-CBN ball

Kamakailan, nagtungo sa Korea ang buong pamilya nina Melai at Jayson. Madalas ang update ni Melai sa kanyang IG stories at mabilis itong nag-viral at nag-trending dahil sa mga kulitan ng kanilang pamilya labis na nakapagpapasaya sa mga manonood. Sinasabing ito na rin ang pagkakataong nag-shoot si Melai ng kanyang pelikulang Ma'am Chief.

Naging bahagi si Melai ng noontime show na It's your Lucky Day. Ito ang programang pansamantalang pumalit sa It's Showtime habang hinaharap nito ang kanilang 12-day suspension ng MTRCB. Kasama ni Melai sa nasabing noontime show sina Luis Manzano, Robi Domingo, FranSeth, mga komedyanteng sina Long Mejia, Negi, Divine Tetay at Petite.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel