Melai, dinipensahan si Jason: "Kailangan ko bang sabihin sa mga tao na ganun ang asawa ko?"

Melai, dinipensahan si Jason: "Kailangan ko bang sabihin sa mga tao na ganun ang asawa ko?"

- Nagsalita na si Melai Cantiveros- Francisco patungkol sa mga akusasyon ng ilang netizens sa asawa niyang si Jason Francisco

- Naikwento niya kung gaano siya kabilib kay Jason bagay na hindi naman umano alam ng publiko

- Aniya, hindi rin daw nito kailanman pinakikialaman ang pera ni Melai kaya't hindi naging isyu ito sa kanila kailanman

- Isa rin sa mga naikwento ni Melai ang laging napapabalitang paghihiwalay nila ni Jason na wala umanong katotohanan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagbigay detalye na si Melai Cantiveros- Francisco patungkol sa palagiang nabubuhay na isyung nagkakalabuan na umano sila ng mister niyang si Jason Francisco.

Melai, dinipensahan si Jason: "Kailangan ko bang sabihin sa mga tao na ganun ang asawa ko?"
Melai and Jason Francisco (Melason on Facebook)
Source: Facebook

Aniya, hanga pa umano siya sa kanyang mister taliwas sa inaakala ng marami na isa sa mga posibleng dahilan ng kanilang pagkakalabuan ay ang kanya-kanya nilang kita.

Read also

Paye Galang sa pangalang bigay ng ina: "Siya po ang unang nam-bully sa akin"

Ikinuwento ni Melai kung paano ibinibigay lahat ni Jason ang kita nito sa kanya habang ang sariling pera niya ay hindi naman nito pinakikialaman.

"Sabi niya, ang pera mo ay iyo ang pera ko ay sa atin. So dun ako na-amaze. 'Dun din yung time na nawalan ako ng trabaho kasi nagbubuntis ako, sa GenSan ako nun. Na-amaze ako nun kasi bigay siya ng bigay ng pera. Sobra talaga. Na-appreciate ba ng mga tao yun? di naman di ba? Pero yung mga moments na meron siyang pinagdadaanan na anxiety, di makapagtrabaho tapos hindi pa siya makita sa TV. Ibig sabihin wala na siyang kwentang tao. Kaya mag-asawa kasi nga nagtutulungan," pagbabahagi ni Melai.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Ito yung gusto kong sabihin sa mga Marites na nagsasabi ng masama sa asawa ko. Talagang ako lang nakakaalam sa sweldo ko. Ako lang ang nakakaalam at manager ko, kung anong pumapasok sa bank account ko. Pero siya pag may pera siya hinuhulog niya sa akin Ako naman ang magba-budget sa amin kung anong gustong kunin. Kailangan ko bang sabihin sa mga tao na ganun ang asawa ko?" dagdag pa niya.

Read also

Papi Galang, ibinahagi ang umano'y masalimuot na nakaraan sa poder ng ina

Narito ang kabuuan ng pahayag ni Melai sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz:

Si Melai Cantiveros ang naging big winner sa Pinoy Big Brother: Double Up noong 2009. Sa naturang reality show din nagmula ang kanya na ngayong mister na si Jason Francisco. Nag-umpisa ang lahat sa kulitan sa loob ng bahay ni Kuya hanggang sa sila na nga ang nagkatuluyan at nabiyayaan ng dalawang anak.

Kamakailan, nagtungo sa Korea ang buong pamilya nina Melai at Jayson. Madalas ang update ni Melai sa kanyang IG stories at mabilis itong nag-viral at nag-trending dahil sa mga kulitan ng kanilang pamilya labis na nakapagpapasaya sa mga manonood. Sinasabing ito na rin ang pagkakataong nag-shoot si Melai ng kanyang pelikulang Ma'am Chief.

Naging bahagi si Melai ng noontime show na It's your Lucky Day. Ito ang programang pansamantalang pumalit sa It's Showtime habang hinaharap nito ang kanilang 12-day suspension ng MTRCB. Kasama ni Melai sa nasabing noontime show sina Luis Manzano, Robi Domingo, FranSeth, mga komedyanteng sina Long Mejia, Negi, Divine Tetay at Petite.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel