Paye Galang sa pangalang bigay ng ina: "Siya po ang unang nam-bully sa akin"

Paye Galang sa pangalang bigay ng ina: "Siya po ang unang nam-bully sa akin"

- Naikwento ni Paye Galang ang umano'y sinapit din niya sa poder ng kanilang ina

- Aniya, mula nang makaalis ang kanyang kapatid na si Papi sa kanila, siya ang nagpagbalingan ng ina

- Bukod sa pananakit, nakaranas umano siya ng pambu-bully mula sa ina dahil na rin sa kontrobersyal na pangalang ibinigay nito sa kanya

- Magkasama na muli sina Papi at Paye habang ang ina naman nila ay sumakabilang buhay nila

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isa sa naikwento ni Paye Galang sa panayam sa kanila ni Toni Gonzaga ay ang karanasan din niya sa poder ng kanilang ina.

Paye Galang, sinabing ang ina ang unang nam-bully sa kanya dahil sa binigay nitong pangalan
Paye Galang (Toni Gonzaga Studio)
Source: Youtube

Bukod sa umano'y pananakit umano nito sa kanya, sa ina rin niya mismo dinanas ang unang pagkakataong siya ay na-bully.

"Sa kanya ko rin po naranasan na ma-bully. Siya po ang unang nam-bully sa akin."

Read also

Toni Talks episode nina Papi at Paye, nagpaluha sa maraming netizens

"Kasi yung sa pangalan ko po. Parang sabi niya, kaya ko pinangalan sa'yo yan, kasi bagay sa ugali mo, demonyo ka."

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Lucy Pearl ang tunay na pangalan ni Paye na katunog umano ng pangalang Lucifer.

Marami ang labis na naantig sa kwento nila ng kanyang ate na si Papi na hindi akalain ng mga nakapanood na sa mura nilang edad, kailangan nilang harapin ang ganoong klaseng pagsubok.

Sa kasamaang palad, mismong ina pa nila ang nag-uudyok na pasukin ang mga bagay na hindi pa dapat nagagawa lalo na ni Papi na noo'y menor de edad pa lamang.

Dahil dito, pinayuhan ng publiko si Paye na pakamahalin ang ate nitong si Papi na siyang nagsakripisyo para sa kanilang pamilya.

Sa ngayon, marami din naman ang naunawaan ang magkapatid at nagpapasalamat din na nakaalis na sila sa ganoong klaseng buhay.

Read also

Papi Galang, ibinahagi ang umano'y masalimuot na nakaraan sa poder ng ina

Narito ang kabuuan ng panayam sa kanila mula sa Toni Gonzaga Studio YouTube channel:

Si Charisse Galang o mas kilala bilang si Papi ay isang content creator sa Pilipinas. Nakilala siya dahil kay Toni Fowler na isa ring social media influencer sa Pilipinas. Mas lalong naging matunog ang pangalan ni Papi online dahil sa kanyang anak na si Baby Hapi na labis ang pagbibigay saya sa mga manonood ng vlogs ng Toro family. Kasama rin niya ang kapatid na si Lucy Pearl "Paye" Galang na itinuring na rin umanong kapamilya ni Toni Fowler.

Nito lamang Hulyo, masayang ibinahagi ni Papi ang kanyang pagsilang sa ikalawa niyang baby na si Yabi. At kamakailan lamang ay inanunsyo rin niyang muli siyang nagdadalang-tao sa kanyang baby number 3.

Samantala, isa ang 'Toni Talks' sa kanyang channel na Toni Gonzaga Studio, sa pinakaaabangang talk show sa YouTube. Linggo-linggo, inspirasyon ang hatid ng mga kwento ng personalidad na kanyang nakakapanayam. Kamakailan nga ay ipinasilip ni Toni ang mga kaganapan sa kanyang buhay matapos ipanganak ang kanyang baby girl na si Polly.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Tags:
Online view pixel