Papi Galang, ibinahagi ang umano'y masalimuot na nakaraan sa poder ng ina

Papi Galang, ibinahagi ang umano'y masalimuot na nakaraan sa poder ng ina

- Si Papi Galang at ang kapatid niyang si Paye ang pinakabagong panauhin ni Toni Gonzaga sa Toni Talks

- Naikwento ni Papi ang umano'y masalimuot niyang pinagdaanan kasama ang kanilang ina

- Naibahagi rin niya kung paano niya prinoprotektahan noon si Paye bilang nakababata niya itong kapatid

- Ngayong wala na ang kanilang ina, aminado si Papi na napatawad niya ito at tila nauunawaan na rin ang kanilang mga kinailangang pagdaanan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sa pinakabagong Toni Talks, naging panauhin ang magkapatid na sina Papi at Paye Galang.

Papi Galang, ibinahagi ang umano'y masalimuot na nakaraan kasama ang sariling ina
Papi Galang (Toni Talks YouTube)
Source: Youtube

Doon, naikwento ng magkapatid ang kanilang pinagdaanan sa pamilya, lalo na sa kanilang ina.

"Puro bugbugan po. Abusive po talaga yung household," panimula ni Papi.

"Umiiyak po yung nanay ko tapos naririnig ko na sobra po yung kalabog. Pag-akyat ko, nagdala ako ng tuwalya tapos yung nanay ko pawis na pawis na kakaiyak tapos binubugbog siya ng tatay ko tapos sabi ko tama na... tapos niyakap ko yung nanay ko. Tumigil naman po siya pero hindi na po nawala sa kin yun," pagdedetalye pa niya.

Read also

Paye Galang sa pangalang bigay ng ina: "Siya po ang unang nam-bully sa akin"

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Naibahagi rin ni Papi ang maaga niyang pagtatrabaho para sa kanilang pamilya.

"Para mabuhay nalang kaming lahat, tiisin ko nalang sige na," naluluha niyang nasabi.

Narito ang kabuuan ng panayam sa kanila ni Toni Gonzaga mula sa Toni Talks YouTube:

Si Charisse Galang o mas kilala bilang si Papi ay isang content creator sa Pilipinas. Nakilala siya dahil kay Toni Fowler na isa ring social media influencer sa Pilipinas. Mas lalong naging matunog ang pangalan ni Papi online dahil sa kanyang anak na si Baby Hapi na labis ang pagbibigay saya sa mga manonood ng vlogs ng Toro family.

Nito lamang Hulyo, masayang ibinahagi ni Papi ang kanyang pagsilang sa ikalawa niyang baby na si Yabi. At kamakailan lamang ay inanunsyo rin niyang muli siyang nagdadalang-tao sa kanyang baby number 3.

Read also

Ogie D sa Kathniel issue: "'Yung mga naglalabasan, 'di sa'kin nagsimula ito, gusto ko lang linawin"

Samantala, isa ang 'Toni Talks' sa kanyang channel na Toni Gonzaga Studio, sa pinakaaabangang talk show sa YouTube. Linggo-linggo, inspirasyon ang hatid ng mga kwento ng personalidad na kanyang nakakapanayam. Kamakailan nga ay ipinasilip ni Toni ang mga kaganapan sa kanyang buhay matapos ipanganak ang kanyang baby girl na si Polly.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel