Toni Gonzaga sa kanyang bagong vlog: "My life lately"

Toni Gonzaga sa kanyang bagong vlog: "My life lately"

- Ibinahagi ni Toni Gonzaga ang mga pinagkakaabalahan niya ngayong dalawa na ang kanyang mga anak

- Tila mas nabigyan ni Toni ng oras ang sarili at ang kanyang pamilya matapos itong manganak

- Mas nabigyang oras din niya ang panganay na si Seve na nasusundo rin niya sa paaralan

- Ito na rin ang nagsilbing pahinga niya sa halos araw-araw niyang trabaho noon

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Makalipas ang ilang buwan, ngayon na lamang muli nakapagbahagi si Toni Gonzaga ng bagong video sa kanyang YouTube channel.

Toni Gonzaga sa kanyang bagong vlog: "My life lately"
Toni Gonzaga at ang kanyang pamilya (Toni Gonzaga Studios)
Source: Youtube

Sa bagong video, ipinakita niya ang lahat ng kaganapan sa kanyang buhay buhat nang maipanganak ang kanyang ikalawang supling na si Polly.

Bukod kasi sa pag-aalaga sa kanyang baby Polly, mas nabibigyang oras pa niya ang kanya raw "OG baby" na si Seve.

Read also

Andrea Brillantes, napuri ni Vicki Belo: "Good girl ito ngayon right?"

Mas madalas ding makasama ni Toni ang kanyang pamilya lalo na at ito umano ang kanyang pahinga sa halos araw-araw na pagtatrabaho niya noon.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"I feel blessed to take time off work and be with my family... Enjoy the little things in life."

Narito ang kabuuan ng kanyang bagong video mula sa YouTube channel niyang Toni Gonzaga Studio:

Si Celestine Cruz Gonzaga-Soriano, o mas kilala bilang si Toni Gonzaga, ay isang Filipina singer, television host, actress, producer, vlogger, at entrepreneur. Siya ang panganay sa dalawang anak nina Carlito "Bonoy" at Crisanta "Pinty" Cruz Gonzaga. Si Toni ang ate ng isa ring kilalang aktres at TV host na si Catherine "Cathy" Gonzaga o mas kilala bilang si Alex Gonzaga.

Matatandaang sa isa sa kanyang vlog, minsan na ring naikwento ni Toni na ang kapatid niyang si Alex ang nagkumbinsi sa kanya na pasukin ang mundo ng pagiging isang content creator. Subalit kapansin-pansin na magkaiba ang tipo ng content ng kanilang mga videos na naibabahagi sa publiko.

Read also

Boss Toyo, tumangging ibenta ang Francis M collection niya sa halagang 8M

Sa ngayon, isa ang 'Toni Talks' sa kanyang channel na Toni Gonzaga Studio, sa pinakaaabangang talk show sa YouTube. Linggo-linggo, inspirasyon ang hatid ng mga kwento ng personalidad na kanyang nakakapanayam. Nito lamang Enero, labis ang pasasalamat ni Toni sa lahat ng sumuporta at dumalo sa kanyang birthday concert at selebrasyon ng kanyang ika 20 taon sa showbiz.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel