Toni Talks episode nina Papi at Paye, nagpaluha sa maraming netizens

Toni Talks episode nina Papi at Paye, nagpaluha sa maraming netizens

- Marami ang umano'y naantig sa kwento ng buhay ng magkapatid na si Papi ay Paye Galang

- Hindi akalain ng marami na ganoon na lamang ang pinagdaanan ng dalawa lalo na ni Papi

- Masasabing si Papi ang nagtaguyod sa kanyang pamilya lalo na sa kanyang kapatid na si Paye

- Dahil dito, maraming netizens ang nagpayo kay Paye na patuloy na mahalin, igalang at suportahan ang ate nitong si Papi

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagpaluha sa maraming netizens ang Toni Talks episode kung saan panauhin sina Papi at Paye Galang ng Toro family ni Toni Fowler.

Toni Talks episode nina Papi at Paye, nagpaluha sa maraming netizens
Paye and Papi Galang (Toni Talks YouTube)
Source: Youtube

Marami ang umano'y nagulat sa tindi ng pinagdaanan ng magkapatid na inaming mula sa magulang nila.

"Puro bugbugan po. Abusive po talaga yung household. Umiiyak po yung nanay ko tapos naririnig ko na sobra po yung kalabog. Pag-akyat ko, nagdala ako ng tuwalya tapos yung nanay ko pawis na pawis na kakaiyak tapos binubugbog siya ng tatay ko tapos sabi ko tama na... tapos niyakap ko yung nanay ko. Tumigil naman po siya pero hindi na po nawala sa kin yun," ang bungad ni Papi sa interview sa kanila ni Toni Gonzaga.

Read also

Paye Galang sa pangalang bigay ng ina: "Siya po ang unang nam-bully sa akin"

Bukod dito, nabanggit din ni Papi ang tungkol sa maaga niyang pagtatrabaho sa murang edad na 13 para sa kanyang pamilya.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Para mabuhay nalang kaming lahat, tiisin ko nalang sige na," naluluhang nasabi ni Papi.

Dahil dito, labis na naantig ang puso ng mga nakapanood ng video, nagawa pang payuhan si Paye, ang nakababatang kapatid ni Papi na dapat pakamahalin ang kanyang ate sa lahat ng sakripisyong nagawa nito para sa kanila.

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens:

"Proud of you, Papi. You survived that and I'm so relieved na nasa maayos ka na ngayon. Keep fighting mama!"
"Grabe yung kwento ni papi parang yung mga napapanood sa mga docu sa tv naiiyak ako grabe... Mahigpit na yakap para sa galang sisters!"
"Paye, mahalin mo ng sobra ate mo. Yung sakripisyo niya para sa pamilya niyo ay hindi biro."

Read also

Ogie D sa Kathniel issue: "'Yung mga naglalabasan, 'di sa'kin nagsimula ito, gusto ko lang linawin"

"Grabe ang bigat sa dibdib at her early age,mahigpit na yakap kay Papi sending a tight hug sa inyo."
"Grabe ung pain and trauma nun. mahigpit na yakap para sa galang sisters. praying for healing and more blessings to the whole family."

Si Charisse Galang o mas kilala bilang si Papi ay isang content creator sa Pilipinas. Nakilala siya dahil kay Toni Fowler na isa ring social media influencer sa Pilipinas. Mas lalong naging matunog ang pangalan ni Papi online dahil sa kanyang anak na si Baby Hapi na labis ang pagbibigay saya sa mga manonood ng vlogs ng Toro family.

Nito lamang Hulyo, masayang ibinahagi ni Papi ang kanyang pagsilang sa ikalawa niyang baby na si Yabi. At kamakailan lamang ay inanunsyo rin niyang muli siyang nagdadalang-tao sa kanyang baby number 3.

Samantala, isa ang 'Toni Talks' sa kanyang channel na Toni Gonzaga Studio, sa pinakaaabangang talk show sa YouTube. Linggo-linggo, inspirasyon ang hatid ng mga kwento ng personalidad na kanyang nakakapanayam. Kamakailan nga ay ipinasilip ni Toni ang mga kaganapan sa kanyang buhay matapos ipanganak ang kanyang baby girl na si Polly.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel