Ogie D sa Kathniel issue: "'Yung mga naglalabasan, 'di sa'kin nagsimula ito, gusto ko lang linawin"

Ogie D sa Kathniel issue: "'Yung mga naglalabasan, 'di sa'kin nagsimula ito, gusto ko lang linawin"

- Muling nagbigay pahayag si Ogie Diaz kaugnay sa kontrobersyal na naibahagi niya tungkol kina Daniel Padilla, Kathryn Bernardo at Andrea Brillantes

- Matatandaang inulan ng batikos si Ogie at inakusahang fake news peddler dahil sa naturang naiulat

- Gayunpaman, nilinaw muli ni Ogie na hindi siya ang pinagmulan ng tsismis at tulad ng marami, hiling niyang hindi ito totoo

- Aniya, naniniwala pa rin siyang sina Kathryn at Daniel pa rin ang magkakatuluyan na maaring tulad ng ibang mga relasyon ay mayroong pinagdaraanan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sa pinakabagong episode ng Ogie Diaz Showbiz Update ngayong Nobyembre 12, muling nagbigay pahayag si Ogie Diaz patungkol sa umano'y isyu nina Andrea Brillantes, Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Ogie D sa Kathniel issue: "'Yung mga naglalabasan, 'di sa'kin nagsimula ito, gusto ko lang linawin"
Kathryn Bernardo and Daniel Padilla (@supremo_dp)
Source: Instagram

Matatandaang sa naunang episode ng kanyang YouTube channel, naibahagi ni Ogie na mula umano sa isang source ay nagkikitang palihim sina Andrea Brillantes at Daniel Padilla.

Read also

Melai, sa minsang pagpapalayas kay Jason: "Mga isang buwan siyang hindi umuuwi"

Inulan ito ng batikos na humantong pa sa puntong inakusahan si Ogie na nagpapakalap umano ng fake news.

"Wala naman kami ritong binalita tapos kinonfirm namin ang isang balita tapos mali pala. May kinonfirm ba kaming balita rito Tapos pinanindigan naming tama ang balita? Pero fake news pala?" paglilinaw ni Ogie.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Muli rin siyang humingi ng dispensa sa mga taong maaring nasaktan nila sa pagbabahagi ng nasabing bali-balita.

"Pero kung meron man kaming mga nasaktan dito, alam mo tao lang din sila. Tao lang din tayo. Kung sa palagay ninyo, kami ay naka-offend, e humihingi po kami ng sorry."

Aniya, tulad ng marami lalo na ang Kathniel fans, hiling din niyang walang katotohanan ang bali-balitang ito tungkol umano kina Daniel at Andrea.

"Hindi naman sa'kin unang nagsimula 'yan." paglilinaw pa ni Ogie. "Tayo dito ay, tulad ng hiling ng mga Kathniel. At tulad din ng mga hiling namin sa mga nakaraan na episode ay sana hindi totoo 'yung mga naglalabasan, hindi sa akin nagsimula ito. Gusto ko lang linawin," dagdag pa niya.

Read also

Diana Zubiri, emosyonal na nagkwento bago bumalik sa Pilipinas

Narito ang kabuuan ng kanyang naging pahayag:

Si Ogie Diaz ay isa sa mga kilalang showbiz reporter sa bansa. Isa rin siyang mahusay na komedyante at popular na host ng kanyang YouTube channel na Ogie Diaz Inspires at Ogie Diaz Showbiz Update.

Isa nga sa natalakay nina Ogie, Mama Loi at Tita Jegs sa kanyang channel ay ang tungkol sa kontrobersyal na video nina Piolo Pascual at Darren Espanto kasama ang iba pa nilang mga kaibigan na nagsasayaw. Nabigyan umano ito ng malisya ng ilang netizens kaya't agad niyang dinipensahan ang dalawa.

Matatandaang minsan na rin nagpaalala si Ogie Diaz sa ibang mga baguhang artista pagdating naman sa kanilang pag-arte. Ang ilan, pinayuhan niyang dumaan sa acting workshops upang mas mahasa ang kanilang pag-arte.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel