Kathryn Bernardo, naka-unfollow kay Andrea Brillantes sa Instagram

Kathryn Bernardo, naka-unfollow kay Andrea Brillantes sa Instagram

- Sa gitna ng intriga ay hindi nakatakas sa mapanuring mga mata ng netizens na hindi naka-follow si Kathryn Bernardo kay Andrea Brillantes

- Gayunpaman, kung titingnan ay nakafollow pa rin si Andrea kay Kathryn

- Hindi malinaw kung matagal nang hindi naka-follow si Kathryn kay Andrea pero napansin ito ng netizens sa gitna ng pagkakadawit ng pangalan ni Andrea sa intriga

- Sa kabila naman ng lumabas na bali-balita, namataang magkasama sina Kathryn at Daniel Padilla kamakailan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naka-unfollow si Kathryn Bernardo sa Instagram account ni Andrea Brillantes. Naging palaisipan sa mga netizens kung may kinalaman ba ito sa lumabas na espikulasyong break na sina Kathryn at Daniel Padilla.

Kathryn Bernardo, naka-unfollow kay Andrea Brillantes sa Instagram
Kathryn Bernardo, naka-unfollow kay Andrea Brillantes sa Instagram
Source: Instagram

Samantala, si Andrea naman ay naka-follow pa rin kay Kathryn. Sa gitna ng lumabas na mga bali-balita, walang nilalabas na pahayag ang kampo nina Daniel o maging kay Kathryn.

Read also

Claudine Barretto, naniniwalang bad influence ang kasalukuyang karelasyon ni Raymart Santiago

Kathryn Bernardo, naka-unfollow kay Andrea Brillantes sa Instagram
Kathryn Bernardo, naka-unfollow kay Andrea Brillantes sa Instagram
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kathryn Bernardo, naka-unfollow kay Andrea Brillantes sa Instagram
Kathryn Bernardo, naka-unfollow kay Andrea Brillantes sa Instagram
Source: Instagram

Gayunpaman, namataan kamakailang magkasama sina Kathryn at Daniel na sa ilang event kaya natuwa ang mga KathNiel fans.

Matatandaang nadawit ang pangalan ni Andrea na siya umanong dahilan ng paghihiwalay nina Daniel at Kathryn. Sa kabila nito ay hindi pa rin nagsasalita maging si Andrea.

Si Kathryn Bernardo ay isang aktres na unang nakilala sa mundo ng showbiz nang gumanap siya bilang ang batang Cielo sa Kapamilya teleseryeng "It Might Be You". Kinalaunan ay naipareha siya kay Daniel Padilla at nakilala ang tambalan nila bilang "KathNiel."

Kabilang sina Kathryn at Daniel sa mga guests sa kasalang Cathy Garcia-Molina-Louie Sampana. Sa reception ay si Kathryn ang nakasalo ng bouquet na inihagis ng bride. Naibahagi ni Janus del Prado ang video ng pagsuot ni Daniel ng garter sa binti ni Kathryn. Kinantiyawan si DJ na itaas pa ang garter ngunit aniya ay mataas na raw ang pagkakasuot nito.

Read also

Mela at Stela, may makulit na reaksyon sa video nina Echo at Melai sa ABS-CBN ball

Ikinatuwa naman ng mga fans ni Kathryn ang post ng aktres kung saan ibinahagi niya ang kanyang picture. Aniya, kuha ito sa set ng kanyang bagong pelikula na pinamagatang 'A Very Good Girl.' Agad itong nag-viral at umani ng mga papuri at positibong komento. Marami ang humanga sa ganda ni Kathryn at may mga naghayag ng kanilang pagsuporta kay Kathryn.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate