Mark Leviste: "She’s more than just my girlfriend, Kris is my world"
- Naihayag ni Vice Governor Marc Leviste ang kanyang pagpapahalaga at pagtatangi kay Kris Aquino
- Sa panayam sa kanya ni Dolly Anne Carvajal ng Inquirer, sinabi ni Leviste kung gaano niya pinapahalagahan ang pagkakataon na binigay sa kanya na mahalin ang babaeng hinahangaan niya
- Dagdag pa niya dalawampong taon siyang naghintay dahil noon pa man ay crush niya na talaga si Kris
- Nakwento niya rin na nakasama niya si Kris nang halos isang buwan dahil ang kanyang executive assistant ay nagbakasyon kaya siya muna ang sumama sa mag-iina
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Inihayag ni Vice Governor Mark Leviste kung gaano niya pinapahalagahan si Kris Aquino. Sa panayam ni Dolly Anne Carvajal ng Inquirer, sinabi ni Leviste na 'different level' na ang kanilang relasyon.
Kaya daw naroroon si VG Mark sa states dahil naka-leave ang executive assistant ni Kris.
I was in the States to be with Kris for almost a month, because her executive assistant and confidant, Alvin Gagui, went home for a vacation, that’s why I helped Kris, her sons, the nurses and their household in Orange County while Alvin was on leave.
Aniya, hindi lang girlfriend si Kris sa kanya kundi ito ang mundo niya.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Now more than ever, Kris, the kids and her sisters have become a big part of my life and that of my own family—she’s more than just my girlfriend … Kris is my world.
Samantala diretsahang sinabi ni Vice Governor Leviste na ang kanyang puso ay nasa America. Sa kanyang pag-guest sa programa ni Aster Amoyo sa YouTube channel nito pinanindigan ni VG Mark ang kanyang pagmamahal para kay Kris.
Sa isang ulat ng GMA news, Hulyo ng kasalukuyang taon nang humingi si Kris Aquino ng 'pause' sa kanilang relasyon.
Si Kris Aquino ay anak ng pumanaw na dating Pangulong Cory Aquino. Tatay naman niya ang pumanaw na rin na dating Senador Ninoy Aquino. Kapatid naman siya ni former President Noynoy Aquino, ang pangulo ng Pilipinas bago si President Rodrigo Duterte.
Sinagot ni Kris ang komento ni Vice Governor Marc Leviste sa kanyang Instagram post. Aniya, pinagpapasalamat niya ang lahat ng ginagawa para sa kanya ni VG Marc pero pinapaalalahanan niya daw ito palagi na mahalaga ang tungkulin niya sa kanyang nasasakupan. Humingi din siya ng pasensya sa mga Batangueño dahil sa oras na iginugugol sa kanya ni VG Marc. Aniya pa, hindi niya na ito gagambalain para makapag-focus na sa kanyang pagseserbisyo sa mga taga-Batangas .
Ayon kay Kris Aquino, nagpapasalamat siya na marami ang nagsasabing gusto nilang bumalik sa showbiz si Kris. Gayunpaman, aniya ay tanggap na ng kanyang puso't isip na hindi na kakayanin ng kanyang katawan na bumalik siya sa pagtatrabaho. Ito ang kanyang sagot sa isang netizen na nagkomento sa kanyang post at nagsabing hinihintay nito ang pagbabalik ni Kris. Ayon pa kay Kris walang lunas ang sakit niyang Churg Strauss o kilala din bilang EGPA.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh