Rendon Labador, umalma sa nagsabing magkapatid sila ni Ricci Rivero

Rendon Labador, umalma sa nagsabing magkapatid sila ni Ricci Rivero

- Umalma si Rendon Labador sa isang Facebook post na nagsasabing magkapatid daw sila ni Ricci Rivero sa totoong buhay dahil sa pagiging Marites

- Ani Rendon, hindi raw magandang biro ang sinabi ng netizen tungkol sa kanilang dalawa ni Ricci

- Hirit pa ni Rendon, naglalaba daw siya ng kanyang mga damit at hindi daw siya nakikipagbiruan sa mga labada

- Matatandaang nag-ugat ito matapos ang pahayag ni Andrea Brillantes na napagtanto niyang hindi daw dapat niya iyakan ang ex dahil isang taon daw na hindi nagpapa-laundry

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sinagot ni Rendon Labador ang post ng isang netizen na naghahalintulad sa kanya kay Ricci Rivero. Ani Rendon, hindi raw magandang biro ang sinabi ng netizen tungkol sa kanilang dalawa ni Ricci.

Rendon Labador, umalma sa nagsabing magkapatid sila ni Ricci Rivero
Rendon Labador, umalma sa nagsabing magkapatid sila ni Ricci Rivero
Source: Instagram

Hirit pa ni Rendon, naglalaba siya ng damit at seryoso siya pagdating sa paglalaba.

Read also

Lie Reposposa, pinabulaanan ang komentong hiwalay na sila ng boyfriend

“Hindi okay yang ganyang biro, naglalaba ako ng mga damit ko!!! #LabLabLabador. Hindi ako nakikipagbiruan sa mga labada!”
Rendon Labador, umalma sa nagsabing magkapatid sila ni Ricci Rivero
Rendon Labador, umalma sa nagsabing magkapatid sila ni Ricci Rivero
Source: Facebook

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Matatandaang sa isang vlog ni Vice Ganda ay nabanggit ni Andrea Brillantes na napagtanto niyang hindi daw dapat niya iyakan ang ex dahil isang taon daw na hindi nagpapa-laundry.

Si Rendon Labador ay nakilala bilang isang motivational speaker. Matatandaang unang naging usap-usapan si Rendon sa social media matapos mag-viral ang kanyang komento sa isang netizen.

Sa isang video ay nagsalita si Coco Martin kaugnay sa pangbabatikos sa kanya kaugnay sa umano'y reklamo ng mga vendor sa Quiapo. Binahagi din ni Rendon sa kanyang Facebook post ang video kung saan sinabi ni Coco na hinahayaan lamang daw niya ang mga ito at iniintindi niya. Kalakip ng video na ito ay ang open letter ni Rendon para kay Coco na nauna na niyang nabatikos sa nauna niyang mga post. Sinabi nito na kung gusto ni Coco na kuhanin siya para maging bahagi ng palabas niya ay kailangan niyang mag-book ng appointment para makapag-usap sila.

Read also

Cristy kay Paolo Contis: "Talagang pagbibintangan siyang sobrang palikero"

Samantala, ayon kay Rendon, ayaw niya talaga mag-artista dahil siya ay isang negosyante. Dagdag pa niya, ayaw niya daw ng scripted at gusto lamang niyang ipaglaban ang tama at bigyan ng boses ang mahihina. Gayunpaman, aniya kung ano man ang laman ng naturang envelop at matuloy kung ano man ang nasa loob ay siya daw ang tatapos sa era ni Coco Martin. Matatandaang ilang beses nang nabatikos ni Rendon si Coco kaugnay sa umano'y reklamo ng mga vendor sa Quiapo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel