Jhong Hilario, ibinahagi ang video ng kanilang pagpunta sa Disney World

Jhong Hilario, ibinahagi ang video ng kanilang pagpunta sa Disney World

- Ibinahagi ni Jhong Hilario ang kanilang pagpunta sa Disney World kasama ang kanyang mag-ina

- Kabilang sa sorpresa nila sa anak ay nang kumain sila sa isang kainan na naroroon ang mga Diney princesses

- Hindi maitago ni Sarina ang kanyang saya nang lapitan siya ng mga Disney Princess at kinausap sila

- Kinaaliwan din ang naging reaksiyon ni Sarina nang sumakay sila sa roller coaster

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sinorpresa nina Jhong Hilario at ng partner niyang si Maia Azores ang anak nilang si Sarina Hilario. Dinala nila ito sa Disney World kung saan tuwang-tuwa ito nang makita ang mga Disney princesses.

Jhong Hilario, ibinahag ang video ng kanilang pagpunta sa Disney World
Jhong Hilario, ibinahag ang video ng kanilang pagpunta sa Disney World (@jhonghilario)
Source: Instagram

Kilala niya ang lahat ng mga ito at masayang nakipagkwentuhan din sa mga princess kapag lumapit sa kanila.

Kinaaliwan din ang naging reaksiyon ni Sarina nang sumakay sila sa roller coaster. Sumali pa ito sa skit sa Enchanted Tales with Belle kung saan nakipagsabayan siya sa ibang mga bata. Siya ang naging little teacup sa naturang attraction.

Read also

Darren Espanto kay Kim Chiu: "Ilang beses kitang namura sa panonood ko ng Linlang"

Narito ang ilang komento ng mga nakapanood sa vlog:

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Nakaka-tuwa ka talaga Baby SariLove it
Love you sari ...you always makes me smile and happy ...stay cute and blessed
Labyu Sari.. Nangawit panga ko sa pagngiti sayo the whole time

Si Jhong Hilario ay unang nakilala bilang miyembro ng grupong Streetboys kasama si Vhong Navarro na kasalukuyan niya ring kasama sa noontime show na It's Showtime.

Matatandaang ibinida ni Jhong ang video nila ng anak niyang si Sarina sa kanyang Instagram post. Makikita ang mag-ama na nakaupo sa tapat ng isang piano habang nagpipindot si Sari habang kumakanta. Sa caption ng naturang post ni Jhong ay sinabi niyang "Tong Tong Tong" at "Do Re Mi" mashup ang kinanta ng anak. Marami ang naaliw at natuwa sa pagiging biba ng anak ni Jhong na tinatawag niya ding Sample Princess hango sa bansag sa kanya bilang Sample King.

Read also

Toni Gonzaga sa kanyang pinakabagong vlog: "My life lately"

Kinaaliwan ang post ni Jhong na video kung saan makikita ang pagkanta ng anak niyang si Sarina. Habang nakahiga ay pinakanta ni Jhong ang anak ng awiting "Moon River" at agad namang itong sumunod. Malimit na magbahagi si Jhong ng video ng kanyang anak na talaga namang kinaaliwan ng netizens dahil sa pagiging biba nito. Kamakailan lang ay nagdiwang ng kanyang unang kaarawan ang anak ni Jhong at ng partner niyang si Maia Leviste Azores.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate