Cristy, naikwento ang nagawa umano ni Baron nang makasama noon si Jobert Sucaldito

Cristy, naikwento ang nagawa umano ni Baron nang makasama noon si Jobert Sucaldito

- Naibahagi ni Cristy Fermin sa Showbiz Now Na! ang umano'y nagawa noon ni Baron Geisler kasama Jobert Sucaldito

- Si Jobert Sucaldito ay isa Showbiz news anchor at entertainment columnist na malapit din sa mga kilalang artista

- Naikwento ito ni Cristy kaugnay sa alegasyong tila bumabalik na naman sa pag-iinom si Baron

- Ang masaklap umano, sa mismong serye ng Senior High ito napapansing amoy alak

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sa pinakabagong episode ng Showbiz Now Na, naikwento ni Cristy Fermin ang naging karanasan ng kapwa niya Showbiz news anchor at entertainment columnist na si Jobert Sucaldito kasama ang aktor na si Baron Geisler.

Cristy, naikwento ang nagawa umano ni Baron nang makasama noon si Jobert Sucaldito
Baron Geisler (Baron Geisler)
Source: Facebook

Ito ay matapos na mapabalitang tila nagsisimula na muling uminom si Baron at napapansin daw ito sa mismong set ng seryeng 'Senior High.'

Read also

Piolo, pabirong sinagot ang umano'y pagbubuntis ni Shaina: "Sini-secret talaga namin e"

"Si Jobert Sucaldito. Niyaya siya ni Baron Geisler isang gabi 'Tito Jobs, inom naman tayo.' So wala naman nang trbaho, tapos na ang trabaho nila. Dinala siya ni Jobert sa isang bar. Inuman, inuman, kwentuhan... Maayos. 'Nung tinatamaan na ng Agua de pataranta itong si Baron Geisler, tinitigan niya ng matindi si Jobert. Sabi niya, I think I'm gonna kill someone tonight. Kasi meron silang pinagdiskusyunan na isang isyu. Alam mo ang ginawa ni Jobert? tinawag ang waiter. Kinuha ang bill. Kung meron pang idadagdag, ako na pero aalis na ako. mahirap na nga naman," ani Cristy.

Usap-usapan ngayon ang umano'y posibilidad na pagkakatanggal sa aktor sa nasabing serye dahil sa nasabing alegasyon.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Gayunpaman, tumugon si Baron sa isyung ito sa pamamagitan ng pagpapakitang patungo pa rin siya sa taping ng kinabibilangang teleserye.

Read also

Ogie D kay Baron: "Patunayan niya na siya ay totoong nagbago na"

Narito ang kabuuan ng pahayag ni Cristy ukol dito:

Si Baron Geisler ay isa sa mga maituturing na mahuhusay na aktor sa Pilipinas. Matatandaang, naging bahagi siya ng kontrobersyal na pelikulang 'Tililing' na tumatalakay sa mental illness ng mga tao na karamihan ay dinadanas dahil sa pandemya.

Isa rin sa patunay ng kahusayan niya sa pag-arte ay ang mga papuring natanggap niya sa pagganap sa pelikulang Dollhouse. Marami ang napabilib kay Baron at kumbinsido sa husay niya sa kanyang larangan kaya naman ganoon na lamang din ang kanyang pasasalamat sa mga tao.

Matatandaang naging kontrobersyal si Baron kamakailan sa pag-aakala ng marami na nakakainom itong nagtungo sa mediacon ng Senior High. Inalam ni Ogie Diaz kung may katotohanan umano ang alegasyong ito lalo na at minsang napabalita noon ang tungkol sa alcohol addiction ng aktor.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel