Piolo, pabirong sinagot ang umano'y pagbubuntis ni Shaina: "Sini-secret talaga namin e"

Piolo, pabirong sinagot ang umano'y pagbubuntis ni Shaina: "Sini-secret talaga namin e"

- Nahingan ng pahayag ng press people si Piolo Pascual ukol sa napapabalitang buntis umano si Shaina Magdayao

- Ang itinuturo kasing ama ay si Piolo na matagal na umanong malapit sa aktres

- Pabiro at natatawa na lamang si Piolo na sinagot ang katanungan

- Matatandaang sa isang panayam sa kanya ni Ogie Diaz noong Hunyo, nasabi ni Piolo na hindi pa umano siya handa muli na pumasok sa relasyon lalo na ang paglagay sa tahimik

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nabigyang pagkakataon ni Piolo Pascual na masagot ang press people ukol sa naging mainit na isyu kamakailan, ang pagbubuntis ni Shaina Magdayao.

Piolo, pabirong sinagot ang umano'y pagbubuntis ni Shaina: "Sini-secret talaga namin e"
Piolo Pascual (@piolo_pascual)
Source: Instagram

Dawit ang pangalan ni Piolo sa kontrobersiyang ito dahil siya umano ang itinuturong ama.

Natawa na lamang ang aktor at pabiro ring sinagot ang katanungan kung ito nga ba ay may katotohanan.

Read also

Cristy, naikwento ang nagawa umano ni Baron nang makasama noon si Jobert Sucaldito

"Syempre andaming nagtatawag sa akin. Sabi ko, di ko kayo nasabihan. Sini-secret talaga namin e. Know for yourself 'di ba? Buti pa kayo alam," ani Piolo.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Gayunpaman, inamin nitong naroon pa rin sila ni Shaina para sa isa't isa sa kabila nang kawalan ng label ng kanilang relasyon.

"Tingnan po natin anong mangyayari. First there is pressure in the family, in the society and she's good friends with my family. She's always in our celebration... Let's see. It's just for now, I'm really busy and It's just something I don't have any time for so I don't wanna be unfair."

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa panayam sa kanya ni MJ Marfori:

Si Piolo Jose Nonato Pascual ay isang actor, singer, model, at producer sa bansa. Kabila-kabila ang mga pelikula niyang pumatok sa takilya tulad nang 'Breakup Playlist' kung saan kasama niya si Sarah Geronimo at 'Starting Over Again' kung saan nakapareha naman niya si Toni Gonzaga.

Read also

Piolo sa umano'y relasyon nila ni Shaina: "She's able to put up with me through the years"

Samantala, matatandaang minsan nang napabalitang exclusively dating noon sina Shaina at Piolo Pascual. Subalit sa panayam ni Ogie Diaz kay Piolo noong Hunyo ng kasalukuyang taon, nabanggit nitong ilang taon na siyang siyang single at hindi pa umano handang pumasok muli sa isang relasyon.

Nasabi rin niyang, hindi niya prayoridad ngayon ang pakikipagrelasyon lalo na ang paglagay sa tahimik dahil sa dami ng pwede pa niya umanong gawin. Matatandaang pinasok na rin ni Piolo ang mundo ng teatro na para sa kanya, isa umano itong panibagong karangalan gayung mahal niya talaga ang pag-arte.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel