Julia Montes kay Kathryn Bernardo: "Ang tawag nga namin kami ang original love team"

Julia Montes kay Kathryn Bernardo: "Ang tawag nga namin kami ang original love team"

- Proud umano si Julia Montes sa kanyang Mara Clara co-star na si Kathryn Bernardo

- Aniya, kailanma'y hindi naging isyu sa kanila kung ano man ang itinatakbo na ng kanilang mga career

- Katunayan, isa umano si Julia sa mga sobrang proud kay Kathryn sa tinatamasa rin nitong tagumpay

- Pangarap din umano nilang makagawa muli ng proyekto mapa-telebisyon man ito o pelikula

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Masayang naibahagi ni Julia Montes ang espesyal na pagkakaibigan nila ni Kathryn Bernardo.

Julia Montes kay Kathryn Bernardo: "Ang tawag nga namin kami ang original love team
Julia Montes kay Kathryn Bernardo (@kn_ayuda)
Source: Instagram

Ito ay matapos na matanong sa kanya ni Ogie Diaz kung proud ba ito sa kanyang kasama noon sa Mara Clara remake kung saan sila labis na nakilala at hinangaan.

"Sabi ko nga kung may unang magiging proud, isa na po ako siguro dun. Parang ano ako talaga, ate by heart. Kasi eversince may mga past scenarios kami na andun pa ako lagi sa bahay niya it's as if kapatid niya ako. Ganun niya ako tinuring," ani Julia.

Read also

Alden Richards, umano'y naloko ng daang milyong piso sa mga pinasok noong negosyo

"And masasabi ko 'yung friendship namin, Hindi siya basta showbiz friendship lang. Ang bond namin is special kasi parang ang tawag nga namin kami ang original love team. So hindi ko siya masabi na parang may ganunan, Kasi even with Kath, kung alam niyo lang kung pano makipag-usap sakin si Kath off cam. Hindi ko napi-feel na superstar siya. at di niya pinapa-feel sa'kin yun. 'Dun palang klaro 'yung friendship. And never namin nakita o pinag-usapan 'yung work. 'Yun naman yung kinaganda ng relationship naming dalawa," dagdag pa niya.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Tulad ng hiling ng marami, nais din sana nina Kathryn at Julia na magkasama muli sa isang proyekto.

"Isa rin sa pangarap namin 'pag nag-uusap kami, sana naman eventually, time will come makagawa kami ulit. I don't know if on small series lang, or teleserye ulit, or... 'di namin alam. Pero isa 'yun sa mga pinapangarap namin ulit na magawa."

Read also

Lani Mercado, sa pagtungo noon sa simbahan: "Kasi ang pinag-uusapan sa pulpito kami"

Narito ang kabuuan ng naging pahayag ni Julia mula sa Ogie Diaz YouTube channel:

Si Kathryn Bernardo ay isang aktres na unang nakilala sa mundo ng showbiz nang gumanap siya bilang ang batang Cielo sa Kapamilya teleseryeng "It Might Be You". Kinalaunan ay naipareha siya kay Daniel Padilla at nakilala ang tambalan nila bilang "KathNiel."

Samantala, maging si Ogie Diaz ay napuri si Kathryn Bernardo at ka-love team nito at real-life sweetheart na si Daniel Padilla. Ito ay dahil sa magkahiwalay na proyektong gagawin ng dalawa. Si Kathryn ang magiging bahagi ng pelikulang A Very good Girl. Habang si Daniel Padilla naman ay may nakalatag din na dalawang pelikulang gagawin. Ito ay ang 'Nang Mapagod si Kamatayan' kung saan makakasama niya si Zanjoe Marudo at ang psychological suspense thriller na 'The Guest' kasama si John Arcilla.

Isa rin umano si Ogie Diaz sa dumipensa kay Kathryn matapos na kumalat ang video na kuha sa shoot ng kanilang Cinemalaya entry na "A Very Good Girl" kung saan kasama nito si Dolly De Leon. Tulad ng nasabi rin ng Guldbagge Award for Best Actress in a Supporting Role nominee, sinabi ni Ogie na sakaling totoong nagvi-vape si Kathryn, normal lang ito at di na kailangan pang gawing big deal.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica