Sandara Park, sinabing pwede si Bayani Agbayani sa Korean movie: "Pwede kahit hindi gwapo"

Sandara Park, sinabing pwede si Bayani Agbayani sa Korean movie: "Pwede kahit hindi gwapo"

- Kinaaliwan si Sandara Park sa I Can See Your Voice kung saan naging guest siya kamakailan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

- Naitanong sa kanya ni Luis Manzano kung pasado raw ba maging K-pop star sa Korea si Bayani Agbayani

- Bilang kilalang prangka at nakakatawa, sinabi ni Sandara na pwede raw sa movies si Bayani

- Dagdag pa niya, sa K-drama raw kasi ay gwapo ang kinukuha nila samantalang sa movies ay pwede kahit hindi gwapo

Naging guest si Sandara Park sa I Can See Your Voice kamakailan. Muli ay kinaaliwan ng publiko ang mga prangka at nakakatawang hirit ni Sandara sa mga tanong sa kanya.

Sandara Park, sinabing pwede si Bayani Agbayani sa Korean movie: "Pwede kahit hindi gwapo"
Sandara Park, sinabing pwede si Bayani Agbayani sa Korean movie: "Pwede kahit hindi gwapo"
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Read also

Antonette Gail, sinupalpal ng academic award certificate ang kanyang bashers

Naitanong ni Luis Manzano sa kanya kung sakali daw ba i pwedeng maging K-pop star si Bayani Agbayani sa Korea.

Sagot ni Sandara, pwede raw ito sa movies. Dagdag pa niya, sa K-drama kasi ay pogi ang gusto nila kaya sa movies dahil pwede raw doon kahit hindi gwapo.

Kinaaliwan din ang biglang pagbago ng reaksiyon ng mukha ni Bayani nang sabihin ito ni Sandara.

Narito ang ilang mga komento:

Bet c ko talaga c pambansang krung2x kasi...di ka tAlaga masasaktan kasi napaka totoo at parang di ka maiinis sa expression ng mukha at tono ng pananalita lol...
Pasmado ka talaga Dara hahha kuya bayani yung mukha nag bago bigla hahhahah
Aliw ako sa iyo Sandara. Walang kyime kyime

Si Sandara Park ay isang South Korean singer, actress at television presenter. Una siyang sumikat sa Pilipinas nang sumali siya sa Kapamilya talent show na Star Circle Quest noong 2004.

Read also

Sarina Hilario, kinaaliwan sa kanyang pag-cheer para sa kanyang daddy

Kamakailan ay kinaaliwan ang binahaging pictures at video ni Sandara na kuha sa kanyang pagpunta sa Dubai kamakailan. Makikita ang kanyang reaksiyon sa makapigil hiningang pag-slide niya sa Sky Views sa Dubai. Gawa sa salamin ang ilang bahagi ng sahig at maging ang slide kung saan siya nagpadausdos pababa kaya hindi napigilang mapasigaw ni Sandara. Sa isang picture ay napagapang pa ito sa salamin na sahig kung saan makikita kung gaano kataas ang kanyang kinaroroonan.

Kamakailan ay ibinida ni Sandara ang kanyang awiting "In or Out" sa kanyang Instagram post. Makikita ang K-Pop superstar na sumasayaw sa saliw ng awiting kanyang pinasikat matapos niyang maging bahagi ng Star Circle Quest. Marami naman ang naaliw at natuwa sa ginawang ito ni Sandara dahil sa kabila ng kasikatan ay hindi ito nakakalimot. May mga nagmungkahi pang dapat gawing Global Tourism Ambassador for the Philippines si Sandara.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel