Sarina Hilario, kinaaliwan sa kanyang pag-cheer para sa kanyang daddy

Sarina Hilario, kinaaliwan sa kanyang pag-cheer para sa kanyang daddy

- Ibinida ni Jhong Hilario ang video ng pagdala niya sa anak na si Sarina sa concert ni Ogie Alcasid

- Kinaaliwan si Sarina ng mga naroroon kagaya na lamang ni Regine Velasquez at iba pang mga performers sa concert ni Ogie

- Kabilang din si Jhong sa nag-perform at kinaaliwan ang reaksiyon ni Sarina habang kumakanta ang kanyang daddy kasama si Ogie sa stage

- Todo-cheer ito sa kanyang daddy at pumapalakpak pa na tila manghang-mangha sa pagkanta ng kanyang daddy

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Dinala ni Jhong Hilario ang anak na si Sarina Hilario sa concert ni Ogie Alcasid kung saan isa si Jhong sa guests. Kinaaliwan ang reaksiyon ni Sarina habang kumakanta ang kanyang daddy sa stage kasama ang kanyang tito Ogie.

Sarina Hilario, kinaaliwan sa kanyang pag-cheer para sa kanyang daddy
Sarina Hilario, kinaaliwan sa kanyang pag-cheer para sa kanyang daddy
Source: Instagram

Bibong-bibo ito habang kinakausap ng mga celebrities na naroroon kagaya na lamang ni Vhong Navarro, Ogie at Regine, The Baby Dolls at maging ng ninong niyang si Ryan Bang.

Read also

Video na kuha sa kasal nina LJ at Philip, mabilis na nag-viral

Naiwan siya sa backstage nang kumanta ang daddy niya pero todo ang kanyang sigaw at palakpak para sa daddy niya na kumanta kasama si Ogie.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Jhong Hilario ay unang nakilala bilang miyembro ng grupong Streetboys kasama si Vhong Navarro na kasalukuyan niya ring kasama sa noontime show na It's Showtime.

Matatandaang ibinida ni Jhong ang video nila ng anak niyang si Sarina sa kanyang Instagram post. Makikita ang mag-ama na nakaupo sa tapat ng isang piano habang nagpipindot si Sari habang kumakanta. Sa caption ng naturang post ni Jhong ay sinabi niyang "Tong Tong Tong" at "Do Re Mi" mashup ang kinanta ng anak. Marami ang naaliw at natuwa sa pagiging biba ng anak ni Jhong na tinatawag niya ding Sample Princess hango sa bansag sa kanya bilang Sample King.

Kinaaliwan ang post ni Jhong na video kung saan makikita ang pagkanta ng anak niyang si Sarina. Habang nakahiga ay pinakanta ni Jhong ang anak ng awiting "Moon River" at agad namang itong sumunod. Malimit na magbahagi si Jhong ng video ng kanyang anak na talaga namang kinaaliwan ng netizens dahil sa pagiging biba nito. Kamakailan lang ay nagdiwang ng kanyang unang kaarawan ang anak ni Jhong at ng partner niyang si Maia Leviste Azores.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel