Rendon Labador: "Buti pa si Miss Glenda hindi mayabang"
- Ibinida ni Rendon Labador ang picture nila ng Brilliant Skin CEO na si Miss Glenda
- Aniya, dapat tularan si Miss Glenda dahil aniya ay hindi ito mayabang
- Binaggit din niya ang aniya'y mga nagkalat ngayon sa socmed na mga CEO
- Ang mga ito daw ay nakahawak lang ng pera ay sumobra na ang pagyayabang
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Ibinida ni Rendon Labador ang Brilliant Skin CEO na si Miss Glenda na aniya ay dapat tularan. Binaggit din ni Rendon ang mga CEO na nagkalat ngayon sa socmed.
Nakahawak lang daw sila ng pera ay sumobra na ang pagyayabang.
DAPAT TULARAN! Buti pa si Miss Glenda hindi mayabang. Dapat siyang tularan ng mga nagkalat ngayon sa socmed na mga CEO, na naka hawak lang ng pera sumobra na ang pag yayabang
Ani Rendon, wala naman siyang pinapatamaan sa kanyang post.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Wala po akong pinapatamaan sa post, pero kung may naiisip kayo.. pwede naman
Si Rendon Labador ay nakilala bilang isang motivational speaker. Matatandaang unang naging usap-usapan si Rendon sa social media matapos mag-viral ang kanyang komento sa isang netizen.
Sa isang video ay nagsalita si Coco Martin kaugnay sa pangbabatikos sa kanya kaugnay sa umano'y reklamo ng mga vendor sa Quiapo. Binahagi din ni Rendon sa kanyang Facebook post ang video kung saan sinabi ni Coco na hinahayaan lamang daw niya ang mga ito at iniintindi niya. Kalakip ng video na ito ay ang open letter ni Rendon para kay Coco na nauna na niyang nabatikos sa nauna niyang mga post. Sinabi nito na kung gusto ni Coco na kuhanin siya para maging bahagi ng palabas niya ay kailangan niyang mag-book ng appointment para makapag-usap sila.
Samantala, ayon kay Rendon, ayaw niya talaga mag-artista dahil siya ay isang negosyante. Dagdag pa niya, ayaw niya daw ng scripted at gusto lamang niyang ipaglaban ang tama at bigyan ng boses ang mahihina. Gayunpaman, aniya kung ano man ang laman ng naturang envelop at matuloy kung ano man ang nasa loob ay siya daw ang tatapos sa era ni Coco Martin. Matatandaang ilang beses nang nabatikos ni Rendon si Coco kaugnay sa umano'y reklamo ng mga vendor sa Quiapo.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh