Sandara Park kay Luis Manzano: "Sintunado ka 'di ba?"

Sandara Park kay Luis Manzano: "Sintunado ka 'di ba?"

- Kinaaliwan si Sandara Park sa kanyang guesting sa video na binahagi ni Luis Manzano

- Naitanong ni Luis kay Sandara kung bakit siya nasa Pilipinas nang mag-guest siya sa "It's Showtime"

- Ani Sandara, nag-guest siya sa concert ng isang kaibigan niya na miyembro ng KPop group na Got7

- Natanong ni Luis kung bakit wala naman nag-guest sa kanya sa mga concert nila na sinagot ni Sandara nang diretsahan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naging guest ni Luis Manzano si Sandara Park sa kanyang YouTube channel. Kinaaliwan ang mga nakakaaliw at prangkang sagot ni Sandara sa mga hirit ni Luis.

Sandara Park kay Luis Manzano: "Sintunado ka 'di ba?"
Sandara Park kay Luis Manzano: "Sintunado ka 'di ba?" (Luis Manzano/YouTube)
Source: Youtube

Naibahagi ni Sandara na pumunta siya sa Pilipinas dahil nag-guest siya sa concert ng isang kaibigan niya na miyembro ng isang Kpop group.

Hirit ni Luis, bakit daw kaya hindi siya tinatanong ng mga kakilala niya na mag-guest sa kanilang concert.

Read also

BTS ng eksena nina Kyline Alcantara at Mariel Pamintuan, viral

Natawa na lang sila nang diretsahang sinabi kay Luis ni Sandara na sintunado daw kasi siya.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sagot naman ni Luis, matagal silang hindi nagkita lalaitin lang daw siya agad ni Sandara.

Si Sandara Park ay isang South Korean singer, actress at television presenter. Una siyang sumikat sa Pilipinas nang sumali siya sa Kapamilya talent show na Star Circle Quest noong 2004. Nakilala siya sa stage name niya bilang Dara. Taong 2007 nang lumipat siya sa South Korea at sinubukang makipagsapalaran. Kinalaunan ay naging bahagi siya ng sikat na grupong 2NE1. Gayunpaman, nabuwag ang kanilang grupo at hindi napigilang maging emosyonal ni Sandara nang muling ikuwento ang tungkol dito.

Kamakailan ay kinaaliwan ang binahaging pictures at video ni Sandara na kuha sa kanyang pagpunta sa Dubai. Makikita ang kanyang reaksiyon sa makapigil hiningang pag-slide niya sa Sky Views sa Dubai. Gawa sa salamin ang ilang bahagi ng sahig at maging ang slide kung saan siya nagpadausdos pababa kaya hindi napigilang mapasigaw ni Sandara. Sa isang picture ay napagapang pa ito sa salamin na sahig kung saan makikita kung gaano kataas ang kanyang kinaroroonan.

Read also

Pokwang, naibenta na ang bahay: "Ayoko ng may mantsa nya at bakas"

Kamakailan ay sinagot ni Sandara ang isa sa kanyang Pinoy fans na pinuri ang Kpop idol dahil sa kanyang pagpapakita ng pagpapahalaga sa kanyang mga fans kahit ang mga Pinoy. Pinuri ng mga fans niya ang mga bagay na ginagawa nito para sa mga sumusuporta sa kanya kagaya na lamang ng pagsagot niya sa mga mensahe ng fans sa kanya sa social media. Ayon sa naturang fan, kahit busy si Sandara sa kasalukuyan ay nagrereply ito sa mga tweets sa kanya. Sagot naman ni Sandara, dahil din sa kanyang fans kaya niya nakamit ang kanyang tinatamasang kasikatan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel