BTS ng eksena nina Kyline Alcantara at Mariel Pamintuan, viral

BTS ng eksena nina Kyline Alcantara at Mariel Pamintuan, viral

- Naging usap-usapan sina Kyline Alcantara at Mariel Pamintuan matapos magkomento kamakailan ni Kyline sa post ni Mariel

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

- Kaya naman, muling lumabas at kumalat sa social media ang behind-the-scenes ng eksena nilang dalawa sa seryeng Love at First Read

- Matatandaang sa ibinahaging video ni Mariel ay nabanggit niya ang aniya'y karanasan niya bilang isang artista na hindi sikat

- Dito nagkomento si Kyline na kinalaunan ay nabura na rin ang naturang komento

Viral ang behind-the-scenes ng eksena nina Kyline Alcantara at Mariel Pamintuan sa seryeng Love at First Read. Ito ay matapos naging usap-usapan ang pagkomento ni Kyline sa video ni Mariel.

BTS ng eksena nina Kyline Alcantara at Mariel Pamintuan, viral
BTS ng eksena nina Kyline Alcantara at Mariel Pamintuan, viral
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Read also

Picture nina Maja Salvador at Kim Chiu sa ABS-CBN ball, viral

Sa naturang video ay makikita ang eksena ng dalawa kung saan nagsasampalan sila habang may mga tao silang kasama.

Sa ibinahaging video ni Mariel, nabanggit niya ang ilang karanasan niya bilang maituturing na artistang hindi sikat.

Kabilang daw dito ay ang pagsampal sa kanya nang malakas ng kanyang co-star. Dito nagkomento si Kyline at nagsabing bakit daw hindi 'minention' yung pangalan ni Kyline. Kinalaunan ay binura din nito ang kanyang naging komento. Gayunpaman, marami sa mga netizens ang nakakita niyon at agad na nakapag-save ng kopya ng komento nito.

Si Kyline Alcantara ay isang actress, singer, dancer, television host, advocate at endorser. Kabilang sa mga seryeng kinabilangan niya ay Annaliza (2013) at Kambal, Karibal (2017). Una siyang nakilala nang sumali siya sa Star Circle Quest: Search for the Next Kiddie Superstars noong 2010.

Matatandaang naging guest sa It's Showtime kamakailan si Kyline. Ipinamalas ni Kyline ang husay niya sa pagsasayaw sa pamamagitan ng isang opening number kasama ang Baby Dolls. Naging bahagi din siya ng segment ng "Rampanalo." Ani Kyline, ikalawang guesting niya na iyon sa naturang noontime show.

Read also

Diether Ocampo, trending matapos ang kanyang pagdalo sa ABS-CBN ball

Kamakailan nga ay naging kontrobersiyal si Kyline matapos ang kanyang naging komento sa TikTok video ng Kapuso actress na si Mariel Pamintuan. Matatandaang ang video na ito ay tungkol sa mga naranasan ni Mariel bilang isang artista na hindi gaanong sikat. Kabilang sa nakwento niya ay ang pagsampal daw sa kanya nang malakas ng kanyang co-star. Dito nagkomento si Kyline ngunit kinalaunan ay binura din ang kanyang komento.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel