Rendon Labador, natanong ni Ogie D: "Hindi ka kumapit sa bakla?"

Rendon Labador, natanong ni Ogie D: "Hindi ka kumapit sa bakla?"

- Diretsahang natanong ni Ogie Diaz si Rendon Labador kung nagkaroon umano ng pagkakataong kumapit ito sa bakla

- Matatandaang naging issue ito dahil sa umano'y puna ni Rendon kay Ion Perez at sa abs nito

- Kabi-kabila rin ang naging batikos kay Rendon sa nasabing komento niyang ito at umano'y inakusahan siyang pumapatol din sa bakla

- Sa naturang panayam din ni Ogie Diaz kay Rendon, nagkaroon ito ng pagkakataong mag-sorry sa mga artistang nakomentohan niya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Diretsang natanong ni Ogie Diaz si Rendon Labador kung nagkaroon ng pagkakataong kumapit ito sa bakla.

Rendon Labador, rektang natanong ni Ogie D kung kumapit ito sa bakla
Rendon Labador (Ogie Diaz YouTube channel)
Source: Youtube

Agad-agad din itong sinagot ni Rendon at ipinaliwanag ang kanyang saloobin ukol dito.

"Hindi, wala. Actually may nag-offer sa'kin. Dati akong nagshu-shoot ng film. Siyempre Pilipino ka, gusto mo rin sumikat May isang direktor na binigyan ako ng movie. Naging double ako ni Zanjoe Marudo. Pangatlo may offer na ngang iba. Sabi ko nag-decline ako, dun ko na-realize na ganun pala sa industriya. Which is natutunan ko na real talk pala talaga," aniya.

Read also

Ogie D kay Rendon Labador: "gusto mo bang hingin yung opinyon ko kung saan ka nagkamali?"

Matatandaang nakwestyon siya umano ng publiko tungkol dito nang punahin niya umano ang abs ni Ion Perez na ang asawa ay si Vice Ganda.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Samantala, sa naturang interview rin ni Ogie kay Rendon, nabigyang linaw pa nito ang mga naging komento niya sa iba't ibang mga bigating artista na tila nabulabog niya.

Narito ang kabuuan ng naturang interview mula sa Ogie Diaz Inspires channel:

Si Rendon Labador ay isang influencer, vlogger, fitness instructor at motivational speaker. Kamakailan, gumawa ng ingay online ang pangalan ni Rendon nang hamunin siya ng one on one sa basketball ni Marc Pingris. Ito ay may kaugnayan sa komento ng social media influencer sa naging pahayag ng Gilas head coach na si Chot Reyes.

Kabi-kabila ang isyu na umano'y binigyang opinyon ni Rendon. Mula sa naging isyu noon nina Moira Dela Torre at dating asawa nitong si Jason, pambabatikos kay Michael V hanggang sa pagiging host ni Paolo Contis sa Eat Bulaga ay kanyang nabigyang komento.

Read also

Rendon Labador, tila naglalambing sa netizens: "Lablablabador"

Kamakailan nga ay ang patuloy pa ring isyu ng It's Showtime at MTRCB ang kanyang natalakay. Maging kay Vice Ganda na Gayundin ang 'lubid' joke ni Joey De Leon. Samantala, naging panauhin siya ni dating Manila Mayor Isko Moreno kung saan nabigyang pagkakataon siyang mas linawin ang mga isyung noo'y naibabato sa kanya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel