Ogie D kay Rendon Labador: "gusto mo bang hingin yung opinyon ko kung saan ka nagkamali?"

Ogie D kay Rendon Labador: "gusto mo bang hingin yung opinyon ko kung saan ka nagkamali?"

- Nagkaroon ng pagkakataon na mapag-usapan nina Ogie Diaz at Rendon Labador ang tungkol sa komento ng nakararami sa influencer

- Aminado kasi si Rendon na maging siya ay naguguluhan sa kung ano ang nakikitang mali ng mga bashers niya sa kanya

- Boluntaryo nang sinabi ni Ogie na magbibigay ito ng opinyon sa sitwasyon ni Rendon

- Bagama't tinanggap naman niya ito, agad niyang nasabing hindi siya galit sa tuwing nagbibigay komento sa maiinit na isyu lalo na sa showbiz

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagkaroon umano ng oportunidad na magkaharap at magkausap sina Ogie Diaz at Rendon Labador.

Ogie D kay Rendon Labador: "gusto mo bang hingin yung opinyon ko kung saan ka nagkamali?"
Rendon Labador (@rendonlabadorfitness)
Source: Youtube

Isa nga sa kanilang natalakay ay ang tungkol sa puna ng karamihan kay Rendon na animo'y laging galit sa tuwing magbibigay komento sa mga kontrobersyal na isyu lalong lalo na sa showbiz.

Read also

Rendon Labador, natanong ni Ogie D: "Hindi ka kumapit sa bakla?"

"So gusto mo bang hingin yung opinyon ko kung saan ka nagkamali?" tanong ni Ogie na tinanggap naman ni Rendon.

"Wala namang problema sa pagsasabi ng saloobin mo, concern mo tungkol sa tao na pinatutungkulan mo. Siguro yung paraan mo ng pagsasabi na lagi kang galit," na agad namang sumingit si Rendon ng "hindi ako galit ah"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sagot niya kay Ogie, tila mas mainam na daanin niya ito sa mga magagaspang na salita upang mas tumama sa taong pinatutungkulan.

"Minsan kasi yung komportableng salita, hindi kayo magigising sa katotohanan e. 'Wag niyong tingnan yung tao. tingnan niyo yung pwede nyang baguhin," ani Rendon.

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan mula sa Ogie Diaz YouTube channel:

Si Rendon Labador ay isang influencer, vlogger, fitness instructor at motivational speaker. Kamakailan, gumawa ng ingay online ang pangalan ni Rendon nang hamunin siya ng one on one sa basketball ni Marc Pingris. Ito ay may kaugnayan sa komento ng social media influencer sa naging pahayag ng Gilas head coach na si Chot Reyes.

Read also

Rendon Labador, tila naglalambing sa netizens: "Lablablabador"

Kabi-kabila ang isyu na umano'y binigyang opinyon ni Rendon. Mula sa naging isyu noon nina Moira Dela Torre at dating asawa nitong si Jason, pambabatikos kay Michael V hanggang sa pagiging host ni Paolo Contis sa Eat Bulaga ay kanyang nabigyang komento. Ito ang sinasabing naging hudyat ng umano'y mass report ng netizens dahilan para mawala ang Facebook page ni Rendon.

Sa naturang panayam din ni Ogie kay Rendon, natanong niya ito kung nagkaroon 'di umano ng pagkakataong pumatol ito sa bakla. May paliwanag naman dito si Rendon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel